20/10/2020
"𝐎𝐧𝐥𝐲 𝐢𝐟 𝐲𝐨𝐮 𝐤𝐧𝐨𝐰.."
- 𝓣𝓮𝓪𝓬𝓱𝓮𝓻'𝓼 𝓢𝓽𝓸𝓻𝔂 -
✍--- 𝑳𝒆𝒐
𝙿𝙰𝚁𝚃 𝟸
Hindi na ako nakakain ng tanghalian at huli na rin akong dumating sa bahay, umuwi ako na pagod na pagod. Naiiyak ako habang kumain but I choose to stop being emotional.
Naalala kong may meeting kami ng mga estudyante ko bukas kaya pinaalalahanin ko sila. Matapos ay ichineck ko ang schedule. Kumain na ako ng dinner. Kinausap ko ang asawa ko tungkol kanina kaya niyakap niya ako para bigyan ng lakas. Agad nalang tumulo ang luha ko pero agad ko itong pinupunasan.
"Hindi maiintindihan ng iba ang nararamdaman ko at namin bilang g**o." Patuloy niya akong niyayakap lara pakalmahin.
"Tama ka, hindi naiintindihan ang paghihirap na ginagawa ng mga g**o."
Kinabukasan, dahil tapos na akong iprepare lahat ng mga gagawin sa ngayong araw. Natapos na rin ang meeting ko sa mga estudyante ko, 24/30 lang ang nakarating.
Napatigil ako sa ginagawa ko nang may nagchat saaking estudyante.
'Hi po, ma'am.' Pagbati nito sa chat.
'Hello anak.' Bati ko pabalik.
'Ma'am... may sasabihin po sana ako, kaso nahihiya po akong sabihin sainyo.'
'Ano iyon, anak. Huwag kang mahiya.'
'Ako po yung palaging nawawala sa online meeting natin.' Inalala ko ang pangalan niya at naalala ko ang batang laging nagleleft the call.
'Oo nga, bakit may problema ba sa inyo kaya hindi ka nakakaattend?' sagot ko.
'Wala na po kasi akong pampaload at kung mayroon man nasasayang din po kasi kulob po ang bahay namin at mahina makasagap ng signal. Itatanong ko po sana kung pwede pong huwag nalang po ako umattend sa online classes.. nahihirapan na po kasi ang mga magulang ko dahil may iba pa pong gastusin sa bahay. Pag-aaralan ko nalang po mag-isa ang mga modules po na ibinigay ninyo, gusto ko po kasi talaga mag-aral pero nalilimitahan ito ng kahirapan ko.' nalungkot ako sa mga sinabi niya.
'Gagawan natin ng paraan anak ah. Huwag mong sabihin na dahil lang sa kahirapan mo ay hindi ka na makakapag-aral. Lagi mong tatandaan na may g**o kang iintindi saiyo at handa kang tulungan.' Sagot ko at naka-isip kami ng paraan kung paano sila matutulungan.
Kinausap ko ang mga g**o at nakiusap kung pwedeng magprovide ang school ng kagamitan para sa gagawing online class. Nakarating na rin ang hiling naming mga g**o sa mayor ng aming lungsod.
Ilang linggo pa ay nadistribute na ang tablet at may unlimited load sa simcard na ipinamigay ng aming mayor para sa mga estudyante. Agad kong binalikan ang estudyante kong hindi nakakaattend sa online class.
'Maayos na ba ang lahat? Okay na ba saiyo ang tablet at simcard?' tanong ko sa kaniya sa chat.
'Opo ma'am! Grabe po ang saya ko dahil dito! Thank you po sa inyong nagbigay!'
'Magpasalamat ka sa nagprovide at sa Diyos dahil narinig niya ang hiling mo.' Sagot ko, a smile suddenly paint on my face.
'Makakaattend ka na ba sa online class niyan?' Tanong ko.
'Opo, ma'am !' gagawa nalang po ako ng paraan para makasagap ng signal. Kung maaari lang po na umakyat sa bubong gagawin ko!' Ramdam ko ang saya niya sa mga chat kahit hindi ko nakikita ang mga ngiti niya sa loob ng screen. Napatawa ako sa pagiging dedicated niya sa pag-aaral. Ito ang dahilan kung bakit gusto ko magturo.
Habang nag-iscroll ako sa facebook. Napatigil ako sa pagscroll nang mabasa ko ang isang post.
" " Ang caption nito. Nakita ko ang mga reacts na 'HAHA' at ang mga comments nitong sunod-sunod. Sinubukan kong iclick ang comment section... At basahin.
'Oo nga, napakadami nilang pinapagawa. Punitin na iyan HAHAHAHA'
'Sunugin nalang, ipasa niyo abo HAHA'
'Hirap na ko sa buhay, hirap pasa module, ***** magpakam*tay nalang tayo HAHAHA!'
I felt pain inside my heart. Ramdam ko na parang may isang rubber sa utak ko na pumitik papunta sa puso ko dahil sa sobrang sakit nito. My tears began to flow from my eyes.
I shared it and tried to type a caption. Agad kong naalala ang mga kapwa ko g**o na nahihirapan dahil sa adjustment.
'Only if you know...' I start to type a phrase.
'Only if you know the sacrifices of teachers.' I second.
'Only if you know the sacrifices of teachers.
Only if you know kung paano kami nagaadjust sa new normal.
Only if you know the sacrifices of the teachers kapag gagawa ng module.
Only if you know how we spend money makapunta lang sa school para magdistribute ng module.
Only if you know the methods we took matulungan lang ang mga students namin.
Only if you see the tears we had kapag may parent na magagalit saamin..
Only if you know how we rush things magawa lang ang dapat..
Only if you see us awake during the midnight without sleep, without a meal..
Sunod-sunod ang pagpatak ng luha ko habang tinatayp ang mga salitang ito. Muli ko itong binasa.
Pero....
binura ko ito, at hindi nalang pinost pa.
- We are all in the middle of a war. We only know the wounds we have received not the wounds of others.