03/12/2014
Mga Halamang Gamot ayon sa “Bureau of Foods and Drugs (BFAD)”
Mayroon ang Bansa na 1.285 Halamang Gamot na makukuha sa kabudukan at kapatagan (ayon sa FAO Corporate Document Repositoty), Subalit, SAMPO (10) pa lamang ang nasaliksik at nasuri ng Food and Drug Administration (FDA), o isang bahagi (1%) lamang sa loob ng labing pitong taon (17 years) magmula sa pagkatalaga sa BFAD ng Batas Pambansa (RA) 8423 na suriin ang mga Halamang Gamot sa Bansa bilang ayuda sa mithiin ng PITAHC, at para sa kapakanan ng mga mamamayan.
At sa sampo (10) Halamang Gamot na kanilang nasuri, kanilang pinayagan na gamitin yuon 10 HaLamang Gamot na TULONG PAGKAIN lamang (Food Supplement), at HINDI panglunas sa karandaman. (Hambing ang Bansang Tsina ay mayroong 442 na Halamang Gamot na ang nasuri at napayagang magamit bilang LUNAS sa Karandaman, ayon sa Handbook on Traditional Drugs ni Foster & Yue 1992.
Ito ay taliwas sa kinaugalian (tradition) ng Bansa. At taliwas sa Batas Pambansa 8423 na suriin ang mga Halamang Gamot sa pamamarrang na hindi kailangan paliwanag pa sa pamamagitan ng makabagong pamamaraan gamit ang agham at paniwala, pero kinikilala ng mga Tao. (Art II-A) “not necessarily explicable in the context of modern, scientific philosophical framework, but recognized by the people”
Mayroon kaalaman ang mga Manghihilot at Albularyo nang marami pang Halaman na magagamit na pang-lunas. Ito ay mga Halamang Gamot na nagamit at napatunayan na mabisa, mahigit dalawang (2) libong taon na ang nakakalipas;
• Bago pa naisang-tabi (marginalized) ng mga mamnanakop na Kastila:
Ayon kay Fray Plasencia, isang Espanol na pareng Franciskano, na naglibot sa buong Bansa noong 1580 para pag-aral ng kaugalian ng bayan, at nagbigay ng ulat sa Hari ng Espana na si Phillip II, at ang wika niya:
Sa wikang Kastila:
“ay esta tierra…tambien Buenos medicos qe curan con yeruas simples espcialmente contra qualquier Genero de pocona, purgue muy admirable contra yeruas
Sa wikang Ingles:
“in this land … are good physicians who cures dieases with medical herbs … especially they have a remedy for every kind of poison, for there are wonderful antidotal herbs”;
Sa wikang Tagalog:
“sa lupaing ito… ay mayroong magagaling na Mangagamot, na nakakapag-balik Kalusugan gamit ang mga HALAMANG GAMOT, lalo na sa paglutas ng lahat ng uri nang lason, dahil sa kanilang mahuhusay na pang labang sulasi.
• At bago pa na-isipan at nagawa ang makabagong pamamaraan ng pag-sasaliksik at pag-suri gamit ang agham na ngayon ay ginagamit ng Food and Drag Administration.
Mga halimbawa ng mga mabisang Halamang Gamot kagaya ng: Abukado, Acacia, Achuete, Adelfa, Alagaw, Alabong, Alibangbang, Alokbati, Amapola, Atis, Azucena, Buho-buho, Balbas pusa, Balete, Bataw, Bignay, Bunga, Bunga-bunga, Caimito, Chico, Citronela, Dalandan, Damong maria, Duhat, Gabi, Granada, Gulaman, Ikmo, Ilang-ilang, Ipil-ipil, Kubling Gubat, Kalabasa, Kalamansi, Kamoteng baging, Kamoteng kahoy, Kang kong, Kape, Kasuy, Katuray, Kawayan, Kintsay, Komprey, Kondol, Labanos, Lagunding-dagat, Langka, Lansones, Lantana, Laurel, Limang dahon,Lima-lima, Luya, Luyang–dilaw, Mabolo, Mahogany, Makahiya, Makopa, Malungay, Mangosteen, Mani, Mansanitas, Manzanilla, Melon, Nipa, Narra, Okra, Pako, Paminta, Pandan, Pansi-pansi, Papaya, Patani, Pili, Pinya, Pipino, Rambutan, Saging, Sampagita, Santan, Sayote, Siling haba, Siling Labuyo, Suha, Sayote, Taingang daga, Takip kuhol, Talong, Tambo, Tanglad, Tuba-tuba, Tubo, Upo, at maraming-marami pang iba.