
03/12/2023
Bilang bahagi ng World AIDS Day 2023, kasama natin ang mga Social Hygiene Clinic at Sundown Clinic sa Quezon City sa mga programa at gawain kaugnay ng HIV Awareness and Prevention.
Nagsagawa ng Voluntary Counseling and Testing sa mga kabataan ng Brgy. Vasra ang Quezon City Health Department sa pangunguna ng Project 7 Social Hygiene Clinic noong December 2, 2023. Bahagi ng nasabing aktibidad ang Rotaract Quezon City Central at Sangguniang Kabataan ng Brgy. Vasra.
Sa kabuuan, mayroong 53 na indibidwal ang aktibong nakilahok sa isinagawang lecture tungkol sa HIV Awareness and Prevention at sumailalim din sa Voluntary HIV Testing.
Mahalaga ang ganitong gawain upang matulungan ang mga kabataan sa maagang malaman ang kanilang HIV Status at magkaroon ng wastong kaalaman tungkol sa HIV and AIDS.
Kung nagnanais na makapagpatest, maaring magtungo sa ating mga Social Hygiene Clinic at Sundown Clinic sa ating lungsod, bukas mula Lunes hanggang Biyernes o kaya ay magmessage sa ating page City Service Delivery Network Plus.