26/04/2025
Pure Breastfeeding vs Breastfeeding Lang — Magkaiba Yan!
Tandaan po — hindi po parehas ang “Pure Breastfeeding” sa “Breastfeeding lang.”
Ano ang Pure Breastfeeding o Exclusive Breastfeeding?
— Gatas ng ina lang ang iniinom ni baby
— Walang halo kahit tubig, formula, juice, vitamins o pagkain
— Diretso padede lang kay baby
Ano ang Breastfeeding Lang?
— Nagpapadede po kayo pero may halo na si baby — formula milk, tubig, vitamins o kahit soft food
— Kapag kumakain na si baby o may iniinom na ibang gatas — hindi na po yan Pure Breastfeeding
Bakit Mahalaga Ito?
Ang Pure Breastfeeding po ay pwede gamitin bilang natural family planning method — ang tinatawag na LAM (Lactational Amenorrhea Method) pero may 3 Important Requirements ito:
1. Below 6 months si baby
2. Pure Breastfeeding — walang halo kahit tubig, pagkain o ibang gatas
3. Walang regla si nanay mula nang manganak
Kapag kumakain na si baby o may iniinom na ibang gatas — hindi na po yan LAM at wala nang protection sa pagbubuntis.
Recommended na Pills Para sa Breastfeeding Moms
Kung breastfeeding kayo at gusto mag-pills — dapat Progestin-Only Pills (POP) ang gamit:
— Exluton
— Daphne
— Lyndel
Safe po ito sa nagpapasuso.
Kapag mixed feeding na o kumakain na si baby — hindi na po effective ang LAM at pwede na rin gumamit ng regular pills (COC).
Basahin nyo rin po ang complete guide ko dito:
https://www.facebook.com/share/p/1H78267h7T/
Laging magtanong sa health worker at magbasa sa tamang source — para safe at hindi basta haka-haka ang pinaniniwalaan!
Anong Pills Ang Maganda Para sa mga Breastfeeding Moms?
Mga momshie, kung ikaw ay breastfeeding at nag-iisip kung anong contraceptive pills ang safe at epektibo para sa iyo, depende po ito sa edad ng inyong baby. Narito ang ilang bagay na dapat mong malaman!
👶 Kung ang baby mo ay wala pang 6 na buwan at purely breastfeeding (meaning breastmilk lang ang iniinom ng baby, walang ibang pagkain o inumin), ang pinaka-recommended na contraceptive ay Progestin-Only Pills (POP). Safe ito para sa breastfeeding moms kasi hindi nito naaapektohan ang supply ng gatas. Sa Pilipinas, ang mga available na POPs ay Daphne, Exluton, Cerazette, at LyndeL.
Kailan pwede magsimulang uminom ng POP? Pwede kang magsimula agad sa unang araw ng postpartum, pero hindi naman ito kinakailangan agad. Hindi ka naman mabubuntis kaagad at hindi rin advisable makipagtalik kaagad pagkatapos manganak, kaya't may ilang linggo ka pang buffer bago magsimula.
⚠️ Kung ayaw mo ng pills, injectable contraceptives tulad ng Depo (DMPA) o kaya implants ay parehong okay din para sa breastfeeding moms!
Kailan pwede magsimulang magpaturok ng depo o magpalagay ng implant?
- Depo (DMPA): Pwede kang magsimula ng Depo mga 6 na linggo pagkatapos manganak.
- Implants: Pwede itong ilagay kahit bago ka pa lumabas ng ospital o kahit kailan pagkatapos manganak, basta’t hindi ka buntis.
👶 Kung ang baby mo ay mixed feeding (kombinasyon ng breastmilk at formula) o kaya bottle feeding lang, pwede ka nang gumamit ng Combined Oral Contraceptives (COC) simula 6 na linggo pagkatapos manganak. Medyo nakakaapekto ito sa gatas ng ina, pero since may ibang source ng gatas ang baby (formula), hindi ito magiging problema. Ilan sa mga kilalang COC ay Lady, Trust, Marvelon, Diane, Femme, Protec, at Althea.
Kailan pwede magsimula? Pwede magsimula ng COC 6 na linggo pagkatapos manganak.
👶 Kapag ang baby mo ay 6 na buwan pataas at kumakain na ng solid foods, pwede ka nang gumamit ng kahit anong pills - POP man o COC. Hindi na magiging issue kung magbawas ng supply ng gatas ang ibang pills dahil may solid foods na ang baby mo.
Kailan pwede magsimula? Pwede nang magsimula ng kahit anong pills (POP o COC) kahit anong oras kapag 6 na buwan pataas na ang baby basta sure kang hindi ka buntis.
💡 Quick note: Kapag kumakain na ng solid food ang baby, hindi na ito considered na "exclusive o pure breastfeeding", kahit nagpapasuso ka pa rin. Ibig sabihin ng exclusive o pure breastfeeding ay breastmilk lang talaga, walang ibang pagkain o inumin.
Kung gusto mo pang mas marami pang info tungkol sa pills para sa breastfeeding moms, panoorin mo po ang video na ito: https://youtu.be/ekoVIxjfGMA. 😊
Image by Dave Clubb - Unsplash