27/05/2024
Sa bawat agos, kaakibat namin ang DALUYONG ng paglilingkod!
DAmhin
Ipagpapatuloy natin ang pagbukas ng mga Grievance Forms para dinggin ang mga hinaing ng ating komunidad. Magkakaroon din ng One Stop Help Desk at Primer for Registration Concerns para sa lahat ng mga pangangailangan tuwing panahon ng enlistment. Paiigtingin din natin ang ating relasyon kasama ang Engβg Lib, OCG, FOCA UP, at QC Animal Care and Adoption Center upang maipaabot ang kanilang mga serbisyong, lalo na sa usapin ng mental health at student welfare. Ilulunsad din natin ang Kapihan sa Study Area ng Melchor Hall tuwing midterms at finals season sa pamamagitan ng pakikipagtulungan kasama ang EASL, Engβg Lib, at Engβg Admin.
LUsong
Ibabalik natin ang proyektong MULAT: An Educational Discussion Series, Engβg Digest, at Basic Masses Integration na naglalayong palawakin ang politikal at sosyal na kamalayan ng mga Inhinyero ng Bayan. Bubuhayin rin natin ang VOTEngβg, isang inisyatibong naglalayong magpalaganap ng kaalaman hinggil sa mga kandidato at kanilang mga plataporma ngayong 2025 Senatorial Elections.
PrinsipYONG Tapat
Ihahatid natin ang mga makabuluhang impormasyon gamit ang mga Text at Email Blasts pati na rin ang mga Bulletin Boards sa loob ng Melchor Hall, Engβg Complex, at Engβg Lib upang masigurong walang Inhinyero ng Bayan ang mapag-iiwanan. Kasama niyo rin ang ESC Chatbot para sagutin ang inyong mga kagyat na tanong. Karagdagan pa rito, magkakaroon tayo ng Citizenβs Charter upang maipaabot ang mga importanteng links, serbisyo, at Directory Update sa Engβg. Ilulunsad din natin ang GraduatEngβg upang ipakalat ang mga pubs at survey forms na mayroon kayo para sa inyong thesis. Bubuhayin din natin muli ang Impulse, ang premier student publication ng kolehiyo, upang malayang maipapahayag sa inyo ang mga balita at impormasyon sa loob at labas ng Engineering.
Sa bawat agos, tuloy ang pagkilosβkasama ang UP PRIME!
Vher Nunez: ESC Chairperson: fb.com/VherIsMyESCChairperson
JunGel GayaPez: My ESC Councilors: fb.com/JunGelAreMyESCCouncilors
Estif Meer: My ChE Representative: fb.com/EstifIsMyChERepresentative
Larkin Regala: My MMM Representative: fb.com/LarkinIsMyMMMRepresentative