
06/11/2024
PANAWAGAN
Ang nasa larawan ay ang pasyenteng si JOHN DOE (hindi tunay na pangalan) at tinatayang nasa limampu hanggang animnapung gulang (50-60 years old). Siya ay dinala ng Barangay NS Amoranto noong Oktubre 30, 2024 at kasalukuyang ginagamot Quezon City General Hospital, Seminary Road, Quezon City.
Sa sinumang nakakakilala sa pasyente o kamag-anak ay maaaring makipag-ugnayan po sa opisina ng Quezon City General Hospital - Medical Social Service o tumawag sa mga numerong 863-0800 local 112/113 or 09178308324.
Maraming salamat po.