
18/03/2024
The Best of the Breast: Ang Benepisyo ng Pagpapasuso
Ang pagpapasuso ay ang natural, ligtas at masustansyang pagkain ng mga sanggol. Ayon sa estatistika, ang eksklusibong pagpapasuso ay nagpapatalino, nagpapatibay at nagpapalakas sa mga sanggol laban sa iba’t ibang mga sakit. Ito ang pinakaepektibong paraan upang matugunan ang tamang nutrisyon at pangkalusugan ng mga sanggol.
Halina’t samahan niyo po kami ngayong ika-dalawampu ng Marso, Miyerkules (March 20, 2024) mula 10 AM hanggang 12 PM sa Capitol Medical Center Prefab Building (Katabi ng Hyundai Quezon Avenue) upang mas talakayin natin ang mga mahahalagang benepisyo ng pagpapasuso para sa mga sanggol pati na rin sainyo, mga mommies. Kita kits po tayo!