Dr. Allen Quirit

Dr. Allen Quirit Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Dr. Allen Quirit, Doctor, St. Camillus Medical Center, Quezon City.
(1)

03/06/2026

Kapag sobrang init ng panahon, mas nahihirapan ang katawan na i-regulate ang temperature nito. Dahil dito, mas mataas ang posibilidad ng dehydration, pagkahilo, pananakit ng ulo, panghihina, at heat exhaustion. 👨‍⚕️

Mas delikado ito para sa mga bata, senior citizens, buntis, outdoor workers, at may existing health conditions gaya ng hypertension o sakit sa puso. Kapag nakaramdam ng matinding uhaw, pagsusuka, mabilis na tibok ng puso, o pagkalito, huwag itong balewalain.

Uminom ng sapat na tubig, umiwas sa matinding sikat ng araw, at magpahinga sa malamig na lugar.

Tandaan, iba ang may alam.

Alam mo ba ang iyong risk sa high blood pressure?Ang hypertension ay maaaring maapektuhan ng iba’t ibang salik tulad ng ...
02/06/2026

Alam mo ba ang iyong risk sa high blood pressure?

Ang hypertension ay maaaring maapektuhan ng iba’t ibang salik tulad ng family history, diabetes, sakit sa bato, sobrang alat sa pagkain, paninigarilyo, pag-inom ng alak, pagiging overweight, at kakulangan sa ehersisyo.

Dahil madalas ay walang sintomas ang mataas na presyon, mahalagang regular na magpacheck ng blood pressure at mamuhay nang mas malusog upang maiwasan ang mga komplikasyon sa puso, utak, at bato.

Tandaan, iba ang may alam.

Source: Centers for Disease Control and Prevention (CDC) – High Blood Pressure Risk Factors

Three Brand Endorsement ❤️ It is truly an honor to collaborate with your company, and I look forward to helping share th...
02/06/2026

Three Brand Endorsement ❤️ It is truly an honor to collaborate with your company, and I look forward to helping share the value and quality of your brand with a wider audience. Edwin Lisa Brows and Aesthetics Glow By Heart Beauty Lounge and Pink Muhly

Thank you!

31/05/2026

Bagama’t nagpapahinga ang katawan habang natutulog, hindi ibig sabihin nito na humihinto ang panganib sa puso. Sa ilang pagkakataon, maaaring magkaroon ng pagbabara sa ugat ng puso o biglaang pagbabago sa ritmo ng tibok ng puso habang natutulog, na maaaring magdulot ng atake sa puso. 👨‍⚕️

Mas mataas ang panganib sa mga may altapresyon, diabetes, mataas na cholesterol, naninigarilyo, o may dati nang sakit sa puso. Maaari ring maranasan ang mga sintomas tulad ng pananakit o paninikip ng dibdib, hirap sa paghinga, malamig na pawis, o biglaang paggising dahil sa matinding discomfort.

Tandaan, iba ang may alam.

Alam mo ba na maraming tao ang naaagapan sana ang sakit kung mas maaga silang nagpapatingin at nagpapagamot?Marami pa ri...
29/05/2026

Alam mo ba na maraming tao ang naaagapan sana ang sakit kung mas maaga silang nagpapatingin at nagpapagamot?

Marami pa rin kasi ang nade-delay sa pagpapakonsulta o hindi agad nabibigyan ng tamang treatment, kaya mas tumataas ang panganib ng seryosong komplikasyon. Kaya mahalagang pahalagahan ang regular na check-up, tamang pag-inom ng gamot, at pakikinig sa payo ng health professionals.

Mas maagang pagkilos, mas malaking tulong para mapanatiling ligtas at malusog ang ating pangangatawan.

Tandaan, iba ang may alam.

Source: Centers for Disease Control and Prevention – Chronic Disease Prevention
🔗 CDC – Chronic Disease Prevention and Health Promotion

26/05/2026

Kapag naka-langhap ka ng ashfall, kailan nga ba ito dapat ikabahala? 🌋😷

Bagama’t madalas inaakala na simpleng abo lang ito, ang ashfall ay maaaring magdulot ng iritasyon sa ilong, lalamunan, at baga — lalo na sa mga may hika, allergy, o ibang respiratory conditions 👨‍⚕️

Tandaan, iba ang may alam.

Alam mo ba na ang hypertension ay madalas walang malinaw na sintomas?Kaya mahalagang regular na alamin ang iyong blood p...
26/05/2026

Alam mo ba na ang hypertension ay madalas walang malinaw na sintomas?

Kaya mahalagang regular na alamin ang iyong blood pressure at huwag balewalain kapag mataas ang reading o may kakaibang nararamdaman. Mas maagap na pagkilos, mas malaking tulong para maiwasan ang seryosong komplikasyon.

Tandaan, iba ang may alam. 💙

Source: Mayo Clinic – High Blood Pressure
🔗 https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/high-blood-pressure/symptoms-causes/syc-20373410

24/05/2026

Pamahiin lang ba ito o may katotohanan? 🤔

Marami pa ring naniniwala na bawal magputol ng kuko sa gabi dahil maaaring magdulot ito ng sakit o malas sa bata. Pero ano nga ba ang sabi ng medical experts? 👨‍⚕️

Alamin ang sagot kasama si Doc Allen at iwasan ang maling paniniwala pagdating sa kalusugan! ✨

Sa gitna ng pagod, trabaho, at araw-araw na responsibilidad, mahalagang maglaan kahit ilang minuto para kumalma, huminga...
24/05/2026

Sa gitna ng pagod, trabaho, at araw-araw na responsibilidad, mahalagang maglaan kahit ilang minuto para kumalma, huminga, at mag-reset. Ang maikling pahinga para sa isip ay malaking tulong para mas maalagaan ang sarili.

Tandaan, iba ang may alam. 💙

Source: Philippine Information Agency – DOH promotes year-long healthy living for Filipinos
🔗 https://pia.gov.ph/news/doh-promotes-year-long-healthy-living-for-filipinos/

21/05/2026

🚨 MYTH OR FACT? 🤔

Kapag mabilis pumayat, maaaring may malubhang sakit?

Hindi lahat ng mabilis na pagpayat ay dahil sa diet o exercise. Minsan, senyales ito na may underlying health condition na kailangan bigyang pansin. ⚠️

Tandaan, Iba ang may alam

Address

St. Camillus Medical Center
Quezon City
1109

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Dr. Allen Quirit posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Dr. Allen Quirit:

Share

Category