
22/09/2025
Ano ang Thyroid Cancer?
Ang thyroid cancer ay isang uri ng kanser na nagsisimula sa thyroid gland—isang maliit na glandula sa harap ng leeg na responsable sa paggawa ng hormones na kumokontrol sa metabolismo, tibok ng puso, at iba pang mahahalagang gawain ng katawan.
Ang Apat na Uri ng Thyroid Cancer:
1. Papillary Thyroid Cancer
Pinakakaraniwan (80–85% ng kaso). Mabagal lumaki pero maaaring kumalat sa lymph nodes. Maganda ang survival rate kung maagang matutuklasan.
2. Follicular Thyroid Cancer
Ikalawang pinakakaraniwan. Karaniwang kumakalat sa dugo at maaaring makarating sa baga o buto.
3. Medullary Thyroid Cancer
Mas bihira. Maaaring mamana (genetic) at konektado sa ibang endocrine diseases. Kinakailangan ng maagang detection dahil mabilis itong kumalat.
4. Anaplastic Thyroid Cancer
Pinakamapanganib at pinakamabilis lumaki. Bagama’t bihira, ito ay mahirap gamutin.
Mga Dapat Tandaan:
• Maagang diagnosis at tamang gamutan = mas mataas ang tsansa ng paggaling.
• Regular check-up, lalo na kung may bukol o pagbabago sa leeg, ay napakahalaga.
Ang kalusugan ay kayamanan. Alagaan ang iyong thyroid gland. Kumonsulta sa iyong ENT specialist upang ikaw ay magabayan para sa wastong gamutan.
myENTdok.com
September 22, 2025