09/06/2024
May 30, 2024
Isang senior citizen, muli ang ating natulungang, maiuwi skanyang pamilya at na i rescue mula sa delikadong kalsada na kanyang tinutulugan.
Ito po ay isang kaso na ating sinubaybayan mula May 2, 2024, Sa tulong ng ating mga masisipag na social workers na nag asikaso upang ganap mabigyan ng tulong ang senior citizen, sa pag subaybay ng ating butihing Punong Barangay Kap Rodel Lobo, punong abala, butihing GAD Committee Chairman Kgd. Jalyn Tabas at ang buong council. Naihatid po natin ang senior citizen na si Nanay Isidora sa kanyang totoong pamilya sa San Juan, Batangas City. sinadya po ng ating team ang lugar, upang makausap ang pamilya ni nanay Isidora.
Kasalukuyang siya po ay nasa pangangalaga na ng kaniyang pamilya, kung san siya ay mabibigyan ng sapat na atensyon, wastong pag aalaga at malinis, ligtas na tahanan para skanya.
Nais din po naming pasalamatan ang isang concern citizen na nag report sa ating tanggapan upang agarang mabigyan ng tulong si nanay Isidora. πSaludo po kami sa inyong pagtulong.
-case closed-
Officers on duty:
Day 1, ( May 2, 2024)
BSW: Grace Baetiong
BSW: Edz Gabriel
BHW: Julie Francisco
Delta: Antonio Dollier
Day 2 ( Batangas )
Gad Focal Person: Milyn Miranda
BSW: Grace Baetiong
BPSO: Ryan Bartolome
Delta: Leopoldo Jimenez