LBA Health and Wellness Program

LBA Health and Wellness Program LBA Helps to CURE Sickness

Mag-ingat Sa StrokePayo ni Doc Willie OngSa Pilipinas, pangalawa ang stroke sa 10 pangunahing sakit na nakamamatay. May ...
19/04/2020

Mag-ingat Sa Stroke
Payo ni Doc Willie Ong

Sa Pilipinas, pangalawa ang stroke sa 10 pangunahing sakit na nakamamatay. May 110 Pilipino ang nasasawi araw-araw dahil sa stroke. Ang mga taong may edad, may high blood pressure, diabetes, at sakit sa puso ang mas nagkakaroon ng stroke.

Dalawang Klase Ng Stroke:
Ang stroke ay isang sakit kung saan nagbabara ang ugat sa utak (Medical term: Ischemic Stroke). Dahil ang utak natin ang nag-ko-kontrol ng paggalaw ng ating katawan, kadalasan ay nanghihina ang kamay o paa ng isang taong na-stroke. Ang iba pang posibleng sintomas ng stroke ay ang pagkabulol, pamamanhid, pananakit ng ulo, at panlalabo ng mata.
Mayroon ding pangalawang klase ng stroke kung saan nagdurugo ang utak ng pasyente dahil may pumutok na ugat (Medical term: Hemorrhagic Stroke). Kadalasan ay mataas ang blood pressure ng ganitong pasyente.

Paraan Para Makaiwas Sa Stroke:
1. Panatilihin ang blood pressure na mas mababa sa 130 over 80. Kapag ang iyong blood pressure ay 140 over 90, o mas mataas pa, ang ibig sabihin ay may altapresyon ka at kailangang magpatingin sa doktor.
2. Kung kayo ay may diabetes, panatilihin ang fasting blood sugar na mas mababa sa 120 mg/dL (6.7 mmol/L). Ang normal na blood sugar level ay 100 mg/dL (5.6 mmol/L) o mas mababa pa. Ang diabetes ay nakasisira sa ugat ng ating utak. Gamutin ito.
3. Ipasuri ang cholesterol levels sa dugo at panatilihin ito sa 200 mg/dL (5.2 mmol/L) o mas mababa pa. Ang mataas na cholesterol ay puwedeng magdulot ng pagbabara sa utak. Bawasan ang pagkain ng mga matataba at mamantikang pagkain.
4. Huwag magpataba. Alamin ang tamang timbang at pilitin itong maabot.
5. Itigil ang paninigarilyo. Ang isang stick ng sigarilyo ay may 10-20 mg ng ni****ne na masama sa ating ugat.
6. Limitahan o umiwas sa pag-inom ng alak. Ang taong malakas uminom ng alak ay mas mataas ang tsansang ma-stroke at ma-aksidente.
7. Huwag gumamit ng droga. Ang shabu ay isang pangunahing sanhi ng stroke sa kabataan.
8. Umiwas sa air pollution. Ayon sa pagsusuri sa Taiwan, mas marami ang na-stroke kapag madumi ang hangin sa paligid.
9. Umiwas sa mainit na lugar. Ayon kay Professor Chun-Yuh Yang, kapag mainit ang panahon, maraming tao ang na-stroke. Umiwas sa araw mula 10 ng umaga hanggang 4 ng hapon.
10. Magpa-check up ng regular sa iyong doktor.
Sa susunod, may dagdag pang payo para makaiwas sa stroke.

Give HOPE and have FAITH to the LORD for he is our GOD and SAVIOR...😇😇😇
04/04/2020

Give HOPE and have FAITH to the LORD for he is our GOD and SAVIOR...😇😇😇

Sa YOSI kahit ilang KAHA pa ang MAUBOS mo may PERA at BUDGET ka..... pero VITAMINS at SUPPLEMENT para sa HEALTH mo WALA ...
29/03/2020

Sa YOSI kahit ilang KAHA pa ang MAUBOS mo may PERA at BUDGET ka..... pero VITAMINS at SUPPLEMENT para sa HEALTH mo WALA kang PAMBILI kasi MAHAL tapos takot ka sa VIRUS??? kung INIPON mo sana yan may BAHAY ka na hindi ka pa MAGKAKASAKIT..... UTAK mo nga naman BALIKTAD.....😂😂🤣🤣👍👍👍
WALANG PIKUNAN....MEMA LANG..😉👍


STAY HEALTHY
15/03/2020

STAY HEALTHY

Sa panahon na may CORONA VIRUS panatilihing malusog ang pangangatawan. -Laging maghuhugas ng kamay-Araw araw Maliligo-Um...
13/03/2020

Sa panahon na may CORONA VIRUS panatilihing malusog ang pangangatawan.

-Laging maghuhugas ng kamay
-Araw araw Maliligo
-Umiwas sa matatao at siksikan na lugar
-Magsuot ng Mask at gumamit ng panyo kapag
umuubo
- Ugaliing Mag ehersisyo para tumibay ang
katawan
- Uminom ng Organic Vitamin C na Ultima C
araw araw
- Magpaconsulta agad kapag may nararamdaman na hindi maganda sa katawan. Ang Live Blood Analysis ay epektibong paraan for early detection ng mga sakit sa katawan natin.

DEATH BY SOFTDRINKS?🔴 Isang malaking pag-aaral sa Europa na pinangunahan nila Dr. Mullee (451,743 na participants) ang g...
08/03/2020

DEATH BY SOFTDRINKS?

🔴 Isang malaking pag-aaral sa Europa na pinangunahan nila Dr. Mullee (451,743 na participants) ang ginawa upang malaman ang association sa pagitan ng PAG-INOM NG SOFTDRINKS at MORTALITY RATE o DEATH RATE.

🔴 Karamihan sa mga participants ay babae ( 71.1%) at ang average na edad nila ay 50.8 years old. Sila ay inobserbahan sa loob ng 16.4 YEARS (11.1 - 19.2 years).

ITO ANG MGA RESULTA NA KANILANG NAKITA:

⚠️MAS MATAAS ANG MORTALITY RATE (ng 17%) ng mga taong uminom ng ≥2 GLASSES NG SOFTDRINKS PER DAY kumpara sa mga uminom ng

Thank You Lord..😇😇😇1st Batch GRADUATE for the Accreditation of PITAHC and DOH.Trainining and Workshop Seminar of Live Bl...
24/02/2020

Thank You Lord..😇😇😇
1st Batch GRADUATE for the Accreditation of PITAHC and DOH.
Trainining and Workshop Seminar of Live Blood Nutritional Analyst/Analysis.


21 Tips Para Bumata mula kay Dr. Willie T. OngLahat ng tao ay nagkaka-edad. Pero may mga paraan para mapabagal ang ating...
23/02/2020

21 Tips Para Bumata mula kay Dr. Willie T. Ong

Lahat ng tao ay nagkaka-edad. Pero may mga paraan para mapabagal ang ating pag-edad. Alamin natin ang 21 paraan:
1. Kumain ng almusal araw-araw. Ang gulay, sardinas, kanin, gatas, itlog at prutas ay masustansyang almusal.
2. Kumain ng pagkaing may tomato sauce (ketsap at spaghetti sauce) at uminom ng green tea. Panlaban ito sa maraming kanser.
3. Kumain ng maberdeng gulay at mga prutas, tulad ng mansanas, saging at pakwan.
4. Huwag sosobrahan ang kahit anong pagkain. Huwag magpakabusog. Katamtaman lamang ang kainin.
5. Mag-asawa o magkaroon ng kasama sa buhay – Mas mahaba ang buhay ng mga may asawa kumpara sa mga nag-iisa.
6. Tumawa ng 15 minutos bawat araw. Laughter is the best medicine.
7. Magkaroon ng mabait na kaibigan. Makatutulong siya sa pagtanggal ng stress sa buhay.
8. Makipag-s*x (sa iyong asawa o partner) ng mas madalas. Kontrobersyal itong payo pero napatunayang may katotohanan. Ang pakikipag-s*x ay isang uri ng ehersisyo at nakababawas din sa stress.
9. Umiwas sa bisyo at peligro.
10. Matulog ng 7-8 oras bawat araw.
11. Mag-ehersisyo.
12. Mag-alaga ng a*o. Nagbibigay ng pagmamahal ang a*o sa kanyang amo.
13. Mag-sipilyo ng 3 beses bawat araw. Gumamit din ng dental floss.
14. Magpabakuna. May mga bakuna laban sa hepatitis B, pulmonya, trangka*o, at iba pa.
15. Inumin lang ang tamang gamot. Itanong muna sa doktor bago uminom ng kahit anong gamot o supplement. Mas mainam na magtanong sa 2 doktor para makasiguro na tama ang iyong iniinom.
16. Alamin ang mga sakit sa pamilya at gumawa ng paraan para maiwasan ito. Halimbawa, kung may lahi kayo ng sakit sa puso, magpasuri ng maaga sa doktor.
17. Uminom ng 8-10 ba*ong tubig araw-araw.
18. Umiwas sa araw, usok, alikabok at iba pang polusyon sa lansangan.
19. Umiwas sa usok ng sigarilyo.
20. Mamuhay lamang ayon sa iyong kakayahan. Umiwas sa pagkabaon sa utang.
21. Huwag mag-retiro. Laging ituloy lang ang iyong trabaho.

Ang mga paliwanag sa mga payong ito ay mababasa sa librong “How To Live Longer.” May 50 artikulo sa libro na masasagot ang inyong tanong sa sakit sa puso, altapresyon, diabetes, pampapayat, s*x, tamang pagkain, at iba pa.


Dont loose HOPE, the LORD has GREATER Plans for you.... Just Keep On Moving!!!
23/02/2020

Dont loose HOPE, the LORD has GREATER Plans for you.... Just Keep On Moving!!!

Mayroon ka bang Heart Disease, Diabetes, Arthritis, UTI, Lung Problem, Kidney Problem at iba pang sakit?Magbibigay ako n...
21/09/2019

Mayroon ka bang Heart Disease, Diabetes, Arthritis, UTI, Lung Problem, Kidney Problem at iba pang sakit?

Magbibigay ako ng FREE VOUCHER ng Live Blood Analysis CHECK-UP na 2,500 ang price sa unang 10 Tao na magmemesage sa akin ng "INTERESTED"

NASA MEDICAL FIELD KA BA? Naghahanap kami ng nasa MEDICAL FIELD or may MEDICAL BACKGROUND na pwedeng maging MEDICAL TEAM...
01/09/2019

NASA MEDICAL FIELD KA BA?
Naghahanap kami ng nasa MEDICAL FIELD or may MEDICAL BACKGROUND na pwedeng maging MEDICAL TEAM sa Company namin. PM ME sa INTERESTED.

 SUPER STRESSPag sobra na ang stress niyo ang muscles sa batok at upper back ang unang sumasakit. Parang laging may stif...
07/07/2019



SUPER STRESS

Pag sobra na ang stress niyo ang muscles sa batok at upper back ang unang sumasakit. Parang laging may stiffed neck at mabigat ang likod mula sa batok at balikat hanggang likod. At posibleng makaranas kayo ng involuntary twitching ng muscle sa may paligid ng mata na parang pumipitik o kumukurap-kurap. Nangyari na po ba sa inyo yan?

Applying moist heat for 15 to 20 minutes every 4 hours may relax the muscle spasm and relieve the discomfort.

....

Address

Quezon City
1105

Telephone

09669237675

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when LBA Health and Wellness Program posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram