19/12/2025
๐ปโจ Pwedeng Mag-SIKAP Online! โจ๐ป
Noong Disyembre 5, 2025, matagumpay na isinagawa ang Pwedeng Mag-SIKAP Online Learning Session sa Quezon City Kabahagi Center for Children with Disabilities, kung saan nagsama-sama ang mga nanay at caregivers ng mga batang may kapansanan para matuto tungkol sa online work at digital livelihood.
Sa gabay ni Ms. MK Bertulfo, CEO at Founder ng Filipina Homebased Moms (FHMoms), tinalakay ang mahahalagang kaalaman sa online freelancingโmula sa mga pangunahing requirements, paghahanap ng lehitimong online jobs, hanggang sa mga praktikal na tips para magtagumpay sa hiring process.
Higit pa sa kaalaman, ang aktibidad ay nagbigay ng pag-asa, kumpiyansa, at lakas ng loob sa mga nanay at caregivers na posible ang pagkakaroon ng kabuhayan mula sa bahay habang patuloy na inaalagaan ang kanilang mga anak. ๐