27/08/2023
🩺 ANO ANG ALTAPRESYON O HYPERTENSION?
Sa Pilipinas, mahigit-kumulang 15 milyong Pilipino ang may ALTAPRESYON O HIGH BLOOD PRESSURE. Ito rin ay kilala sa tawag na HYPERTENSION. Ang saklaw ng normal na presyon ng dugo ay 120/80 pababa. Kapag ang presyon ay nasa pagitan ng 121/81 at 139/89, ito ay maituturing na high normal o mataas ngunit hindi parin kaaba-abala. Subalit, kapag ang presyon ay umabot ng 140/90 pataas, ito ay maituturing na’ng altapresyon o high blood pressure.
Tinaguriang “silent killer” ang pagkakaroon ng high blood pressure sapagkat hindi lahat ay nakararanas ng mga sintomas. Ngunit kadalasan, kapag naapektuhan ng kondisyong ito, ang pasyente ay maaaring makaramdam ng pananakit ng batok, pagkahilo, pagbigat ng ulo, at marami pang iba.
Walang pinipili ang altapresyon. Kahit ang mga nasa edad 18-anyos lamang ay maaaring magkaroon nito. Kadalasan, nagkakaroon ng mataas na presyon ng dugo kapag hindi malusog ang paraan ng pamumuhay ng isang tao.
Ilan sa mga maaaring magdulot ng kondisyon na ito ay ang labis na pag-inom ng alak, paninigarilyo, hindi pag-eehersisyo, at labis na pagkain ng maaalat at mgatataba. Bukod pa sa mga ito, ang posibilidad na magkaroon ng altapresyon ay posible ring mamana mula sa mga magulang.
Kapag ang altapresyon ay ipinagsawalang-bahala, maaaring magkaroon ng iba’t ibang sakit gaya ng atake sa puso, stroke, at sakit sa bato. Upang hindi na humantong pa sa ganitong kalagayan, magpasuri agad sa doktor upang mabigyan ng karampatang lunas ang altapresyon.
TANDAAN: Prevention is better than cure 🌿
Switch to a healthy lifestyle today.
PM me for inquiries 📩