28/09/2023
Ano ba ang FATTY LIVER?
Ito ay isang kondisyon kung saan nababalot ng taba ang atay. Kapag bahagya lang ang taba sa atay, maaaring hayaan na lang ito. Ngunit kung marami ang taba ay pwedeng magdulot ng komplikasyon.
Ang mga Filipino ay mahilig sa lechon, crispy pata, pork chop, mamantika, cake at pritong pagkain. Kapag may Fatty Liver ka, pwedeng tumaas ang tsansa mong magkaroon ng diabetes at sakit sa puso.
Dalawang klase ng Fatty Liver:
🍾 Alcoholic Fatty Liver at Non-alcoholic Fatty Liver. Ang una (alcoholic type) ay dahil sa pag-inom ng alak. Dapat iwaksi na talaga ang alak. At ang pangalawa (non-alcoholic type) ay dulot ng matatabang pagkain.
👩🦳 Kung may Fatty Liver ka, kadalasan ay mataas din ang iyong kolesterol sa dugo, blood sugar at uric acid. Malamang ay sobra ka sa timbang at malaki ang tiyan. Ang dapat na sukat ng tiyan ay 36 inches lamang sa mga lalaki at 32 inches lamang sa mga babae.
😥 May ilang mga pagkakataon na pwedeng lumala ang Fatty Liver at mamamaga ang atay hanggang maging Liver Cirrhosis kung hindi maaagapan.
Paano malalaman kung may Fatty Liver?
☑️ Masasabi natin na may fatty liver ang pasyente sa pamamagitan ng ultrasound ng atay (ultrasound of the whole abdomen). Nakasaad sa resulta na may Fatty Liver ka.
☑️ Sa blood test, sinusuri rin kung tumataas ang lebel ng iyong SGPT at SGOT (liver enzymes).
😔 Sa umpisa ay walang sintomas ang Fatty Liver. May ibang tao na sumasakit ang kanang bahagi ng tiyan. Ngunit kapag umabot sa liver cirrhosis ay malala na ito at magkakaroon na ng paninilaw ng mata at balat (jaundice), pamamayat, paglaki ng tiyan at pagmamanas ng paa.
Paano ang gamutan?
🤔 Walang simpleng tableta o operasyon ang kayang magtanggal ng taba sa atay. Ang gamutan sa Fatty Liver ay ang dahan-dahang pagbabago ng pamumuhay (lifestyle change).
🙂 Una, itigil ang bisyo tulad ng alak 🍾at sigarilyo 🚬.
👍 Pangalawa, umiwas sa matataba at matatamis na pagkain. Palitan ito ng pagkain ng masustansyang gulay 🥦🥬🥕🍆, prutas 🍓🍌🥝🍍 at isda 🐟.
🌿 Pangatlo, kung may mga kondisyon tulad ng diabetes, mataas na kolesterol o mataas na uric acid, kailangan itong maagapan para maiwasan ang Fatty Liver.
🍋 Huwag balewalain ang Fatty Liver. May mga natural na paraan para ito ay malunasan.
☑️ Pwede kang bumista sa Zynergia Bago Bantay Wellness Center at ating pag-usapan.
Contact Nos. 09179318811
To GOD be the glory!