Alleah Jessa Nacion - Bellista, MD

Alleah Jessa Nacion - Bellista, MD Stay at home and consult health through your smartphone 📲👩‍⚕️

21/02/2025
08/11/2024
08/11/2024

Tuloy-tuloy ang Bakuna Eskwela ngayong Nobyembre. Maaaring pabakunahan ang inyong mga anak na Grade 1, Grade 4, at Grade 7 sa mga pampublikong paaralan.

‘Wag hayaang mabiktima ng fake news tungkol sa bakuna. Ang tamang impormasyon tungkol sa mga bakuna laban sa tigdas, tigdas-hangin, dipterya, tetano, at cervical cancer ay matatalakay sa vaccination orientation para sa mga magulang. Maaari ring makipag-ugnayan sa inyong health center para makausap ang pinakamalapit na doktor o healthcare worker.

Proteksyon at kaligtasan ang hatid ng mga bakuna. Magpabakuna na, dahil Bawat Buhay Mahalaga!

08/11/2024

Pwede pang pabakunahan ang mga bata sa mga pampublikong paaralan!

Ang mga Grade 1 at Grade 7 maililigtas laban sa tigdas, tigdas-hangin, dipterya, at tetano. Ang mga Grade 4 na babaeng estudyante naman ay maliligtas sa cervical cancer.

Kunin ang proteksyong hatid ng ligtas at epektibong bakuna, dahil Bawat Buhay Mahalaga!

08/11/2024
15/09/2024

September 10 is World Su***de Prevention Day. 💛

Ang araw na ito ay paalala na ang bawat isa sa atin ay may mahalagang papel sa World Su***de Prevention Day. Maging maalam at bukas sa usapin patungkol sa kalusugan ng isip para mabawasan ang stigma at maaari nating tulungan ang isa't isa.

Huwag mahiyang makipag-usap o humingi ng tulong—ang iyong simpleng pakikipag-usap ay maaaring maging unang hakbang sa pagligtas ng buhay.

Care for yourself and Care for others. Sama-sama nating baguhin ang mga kwento at bigyan ng pag-asa ang isa't isa.

Maaaring tumawag nang LIBRE sa mga numerong ito, hatid sa inyo ng DOH, katuwang ang National Center for Mental Health (NCMH).

[NCMH CRISIS HOTLINE]
▪️ 1553 Nationwide landline toll-free
GLOBE/TM Subscribers
▪️ 0966-351-4518
▪️ 0917-899-8726
SMART / SUN / TNT Subscribers
▪️ 0908-639-2672

[DOH REGIONAL HELPLINES]
Full Album: https://bit.ly/RegionalCrisisPH

15/09/2024
27/08/2024

Libre ang Telekonsulta sa Hotline Number 1552 (Press 2) ng National National Patient Navigation & Referral Center!

Kung ikaw ay:
• Lumusong sa posibleng kontaminadong tubig, putik, o lupa (baha, taniman, bukid, pugad, kanal, sapa, lawa, ilog)
• Nakakain o inom ng pagkain o tubig na maaaring nakontamina ng hayop na may sakit
• O may iba pang sintomas matapos maulanan o ma-expose sa kontaminadong tubig

Bukas ang Hotline para sa Telekonsulta mula
8 ng umaga hanggang ika-5 ng hapon, araw-araw!

Agad rin na kumonsulta sa pinakamalapit na Health Facility para sa wastong reseta ng gamot.

26/08/2024

SALUDO KAMI SA INYO!

Kasama ang Kagawaran ng Kalusugan (DOH) sa pagdiriwang ng Araw ng mga Bayani. Kalakip ang pagpupugay sa mga bagong henerasyon nito lalo sa larangan ng pampublikong serbisyo.

Sa Bagong Pilipinas, Bawat Buhay Mahalaga!


25/08/2024

Mahalagang Paalala mula sa Kagawaran ng Kalusugan (DOH) kasunod ng tumataas na kaso ng Leptospirosis sa bansa.

Ngayong panahon ng tag-ulan, kalimitang namamataan ang baha, maputik na daan, at pagsulpot ng mga peste mula sa kanilang mga lungga dahilan upang maglipana ang ibat-ibang sakit tulad ng Leptospirosis.

Nasa mga larawan ang mga impormasyong dapat nating malaman upang tayo ay makasigurado sa proteksyon ng pamilya laban sa Leptospirosis.

Kung ikaw ay makaransa ng mga sintomas na nabanggit matapos mapunta sa kontaminadong tubig o putik, mahalagang magpatingin agad sa doctor o pumunta sa pinakamalapit na ospital upang makakuha ng angkop na gamutan.

Iwasan ang WILD. Maglinis, Mag-masid, Mag-Ingat

25/08/2024

Stay at home and consult health through your smartphone 📲👩‍⚕️

Address

Quezon City
1118

Opening Hours

Monday 3pm - 10pm
Tuesday 3pm - 10pm
Wednesday 3pm - 10pm
Thursday 3pm - 10pm
Friday 3pm - 10pm
Saturday 3pm - 10pm
Sunday 3pm - 10pm

Website

https://thefilipinodoctor.com/doctor/alleah-jessa-bellista

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Alleah Jessa Nacion - Bellista, MD posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram