27/10/2025
DENGUE FAST LANE SA EAMC
Nananatiling bukas ang mga Dengue Fast Lanes sa mga Department of Health (DOH) hospitals, kabilang ang East Avenue Medical Center, para sa mga pasyenteng may mga sintomas ng dengue, lalo na sa mga panahon ng pagtaas ng ka*o.
Panoorin ang video ni Dr. Sergio Tanhueco, Jr., Chairman ng EAMC Department of Family and Community Medicine at Head ng EAMC Out-Patient Department, mula sa DZMM Teleradyo na hinihikayat ang publiko na agad na magpakonsulta sa mga health center at Dengue Fast Lane kapag nakaranas ng mga sintomas tulad ng lagnat, pantal, pananakit ng katawan, at pagkahilo para sa mabilis na gamutan.
Bukas at handa ang mga pasilidad ng FM Ambulatory Care Service (FM-ACS) para sa mga pasyenteng nangangailangan ng mabilisang atensyong medikal.
Bukod dito, patuloy pa ring gawin ang 4T (Taob, Taktak, Tuyo, Takip), ugaliing magsuot ng proteksyon, gumamit ng insect repellent upang maiwasan ang Dengue Fever. Ingat, PILIPINAS!