
01/12/2024
Ngayong araw na ito, nagse-celebrate tayo ng World AIDS Day. Marahil may mga taong magtatanong, "Bakit nyo sine-celebrate ang isang bagay na nakaka-shokot?", or "Bakit may pa celebration si aling AIDA?"
Mga mare, nag se-celebrate kami ng WAD kung papaano namin sine-celebrate ang birthday, ang tagumpay ng Life over Kamatayan. Dahil advance na ang mga darna pills ngayon, hindi na death sentence ang ma-diagnosed na may HIV. Panahon pa ni kopong yun mga mare. Ang HIV ngayon ay isa nang well manageable chronic condition. Pwede nang mabuhay nang normal at healthy ang mga PLHIVs katulad ng iba. Kaya't lahat ng mga PLHIV can say "AIDS, sashay away!"
U=U, two letters, pero PAKAK at beri PAWERFUL na testimony ng resilience ng mga PLHIV sa tulong ng siyensya at medesina! Undetectable equals Unstransmittable. Pag DI-Nakikita, DI-Maipapasa! Hindi na maipapasa ang HIV through s*xual contact. Hindi na need nga mga PLHIV na matakot at mangamba na baka maipasa nila ito sa kanilang mga s*x partners. Nasa atin na ang power to control the virus. Pwede na nating kunin pabalik ang mga precious time and moment of life na ninakaw sa atin ng virus. Hindi na hazy ang future for all PLHIV na mabuhay sa isang society na STIGMA-FREE!
Kaya sa ating mga PLHIVs, mga workers ng community, mga advocates, mga walang sawang sumusuporta sa ating adbokasiya... Happy World AIDS Day mga beshie kong magaganda!