Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura

Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura, quezon city, Quezon City.

Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura (UMA Pilipinas) is the national progressive center of unions, federations, and organizations of agricultural workers in the Philippines.

ON THE CONTINUED KILLINGS AND HUMAN RIGHTS VIOLATIONS IN NEGROS, FROM DUTERTE TO MARCOS JR. A forum with community organ...
11/08/2025

ON THE CONTINUED KILLINGS AND HUMAN RIGHTS VIOLATIONS IN NEGROS, FROM DUTERTE TO MARCOS JR.

A forum with community organizers from Paghida-et sa Kauswagan Development Group, Incorporated

Negros Island remains one of the deadliest places for peasants, land defenders, and development workers in the Philippines.

This August, as we commemorate International Humanitarian Law (IHL) Month, we renew our call for justice and accountability for the people of Negros, where landlessness, hunger, and state violence persist.

Negros island, which produces more than half of the country’s sugar, remains gripped by tiempo mu**to, a period that now signifies not only the dead season in the fields but also a prolonged season of killings, disappearances, and repression perpetuated by the state.

From Duterte’s Memorandum Order 32 to Marcos Jr.’s continued militarization, rural communities face relentless attacks, massacres like the killing of the Fausto family, torture, enforced disappearances, and the criminalization of peasant leaders and development workers.

Land-grabbing and large-scale agribusiness projects displace farmers for plantations and land conversion, tightening the chokehold on the island’s economy and food security.

🗓 August 15, 2025
🕑 1:00 PM – 4:00 PM
📌 Student Union Building, Room 419, UP Diliman

Sign up here:
https://forms.gle/6qFZi8rRi8fzrcUL8
https://forms.gle/6qFZi8rRi8fzrcUL8





10/08/2025

Five years without justice for Ka Randy Echanis
Stop the killings, hold Duterte and Marcos regimes accountable

Five years have passed since the brutal killing of Randall “Ka Randy” Echanis, NDFP peace consultant, veteran peasant leader, and former chairperson of Anakpawis Partylist yet justice remains elusive. On August 10, 2020, Ka Randy was found lifeless in his Quezon City home, bearing multiple stab wounds and clear signs of torture. His next-door neighbor, Louie Tagapia, was also killed that night. The cruelty of their murders sent shockwaves across the peasant movement, the human rights community, and among peace advocates in the Philippines and abroad.

Today, the Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) and Tanggol Magsasaka (Defend Farmers) condemn in the strongest terms the continuing injustice and climate of impunity that allows the masterminds and perpetrators of such heinous crimes to evade accountability. The absence of justice for Ka Randy is emblematic of the widespread denial of justice for victims of extrajudicial killings, enforced disappearances, and political persecution under both the Duterte and Marcos Jr. regimes.

Ka Randy’s murder was not an isolated incident but part of a pattern of political assassinations of government critics. It was part of a systematic campaign to silence NDFP peace consultants, political dissenters, and leaders of people’s movements. Among those killed in similar circumstances were Randy Felix Malayao, Julius Giron, Eugenia Magpantay, Agaton Topacio, Antonio Cabanatan, Florenda Yap, Reynaldo Bocala, Pedro Codaste, and Ariel Arbitrario — many of them tortured or summarily executed in apparent disregard for international humanitarian law.

The said killings violate the Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL), which explicitly prohibits the harm or ex*****on of hors de combat — unarmed individuals or those captured and rendered incapable of fighting. Both Duterte and Marcos Jr. have willfully disregarded these obligations, whitewashing atrocities through denials and false narratives.

KMP and Tanggol Magsasaka justice for Ka Randy, Louie Tagapia, and other slain NDFP consultants. Perpetrators at all levels, from state security forces on the ground to commanders and officials who ordered or condoned the crimes must be held accountable.

“Hindi lamang si Ka Randy ang pinaslang ng estado, kundi pati ang pag-asa para sa pangmatagalang kapayapaan at katarungan,” said Danilo Ramos, KMP Chairperson. “Hanggang walang nananagot sa mga pagpaslang, magpapatuloy ang dugo at luha ng mga magsasaka at mamamayan. Tiyak na magpapatuloy din ang paglaban.”

“Limang taon na ang lumipas subalit walang nahuli, nakasuhan at nanagot sa krimen ng pagpaslang kay Ka Randy. Kapwa maysala sa nagpapatuloy na kawalang hustisyang ito ang mga Duterte at Marcos,” Ramos added.“Patuloy nating ipaglalaban ang hustisya para kay Ka Randy at sa lahat ng biktima ng pamamaslang.”

“Ka Randy devoted his life to the struggle for land, justice, and peace for the Filipino peasantry. To allow his killers to walk free is to trample on his legacy and on the principles of human rights and the rule of law,” KMP and Tanggol Magsasaka said in a joint statement.

On this fifth year of Ka Randy’s martyrdom, we reaffirm our commitment to pursue justice not only for him, but for all victims of state-sponsored killings. The blood of the martyrs waters the seeds of resistance as the struggle for genuine freedom and democracy continues. # # #

09/08/2025
08/08/2025
08/08/2025

"Ang industriyalisasyon ay kumprehensibong pagtatatag at pagpapaunlad ng lahat ng antas ng industriya. Ang pambansang katangian nito ay makikita sa pagkalas mula sa kontrol ng dayuhang monopolyo kapitalismo. Hindi pagkamal ng tubo ang tunguhin ng pagpapaunlad sa industriya kundi matiyak na matugunan ang mga pangangailangan ng mamamayan ng bansa.

"Sa programa nito, tinitiyak ang balansyadong paglago ng buong ekonomiya. Ang agrikultura ang magsisilbing base ng ekonomiya sapagkat ito ang lilikha ng mga hilaw na materyales na siya namang gagamitin sa produksyong industriyal. Gayundin, sa agrikultura magmumula ang mga batayang pangangailangan ng mamamayan sa pagkain at iba pang produktong pangkonsumer at pangprodyuser. Upang mapaunlad ang agrikultura, mayor na programa ng pambansang industriyalisasyon ang repormang agraryo. Pangunahin sa repormang ito ang pagbuwag sa mga hacienda at dambuhalang agro-kapitalistang sakahan at pagpapamahagi nito sa mga maliliit na magsasaka. Dinidiinan din nito ang suportang pinansyal at teknolohikal sa mga magsasaka at kanilang mga asosasyon at kooperatiba upang mapataas ang kanilang produktibidad at kasanayan.

"Sa aspeto ng produksyong industriyal, ang industriyang mabibigat at may mataas ng teknolohiya ay mabilis na pauunlarin upang maging nangungunang salik sa komprehensibo at balansyadong pag-unlad ng ekonomiya. Ang programa ng pambansang industriyalisasyon ay may partikular na diin sa pagtatayo ng mga empresang lilikha ng base metals (tulad ng bakal, tingga, tanso atbp.), batayang kemikal, petrokemikal, gamot, makinarya, precision instruments, elektroniks, at durableng produktong pangkonsyumer. Ang mga nabanggit ay mahalaga sa pagsustini sa pangmatagalan na paglikha ng mga produktong pangkonsumer at pangprodyuser sa kanayunan (hal. makinarya at ekwipong pansakahan, at mga bodega at pasilidad pamproseso matapos ang ani)."

Sipì mula sa "Pambansang Industriyalisasyon: Kabuluhan, Programa, at Papel ng Uring Manggagawa," DATOS, Isyu Blg. 2025-1, Hulyo 2025, p. 10.

LINK: https://eiler.ph/ed/datos-july-2025-issue/


08/08/2025
05/08/2025

August 5, 2025
Reaksyon ukol sa rekomendasyon ng Department of Agriculture sa bigas

Ayon sa Amihan National Federation of Peasant Women at Bantay Bigas,

• dapat nang ideklara ng gubyerno, maging ng mga oversight committee ng lehislatura na perwisyo ang Republic Act 11203 o Rice Liberalization Law sa mga magsasakang Pilipino at maralitang konsyumer, at ipawalambisa na ito, dahil kronikong krisis ang bunga nito tulad ng pagbagsak ng presyo ng palay at mataas na presyo ng bigas;
• dapat ding singilin ng mga magsasaka at mamamayan ang rehimen dahil sa Executive Order No. 62 na nagbaba sa taripa mula 35% tungong 15%;
• hindi kapani-paniwala ang pagpapanggap na inaalala ng rehimen ang mga magsasaka, dahil mahigit tatlong taon na ito sa puder at patuloy na ipinatupad ang RLL at ibinababa pa ang taripa sa importasyon, kahit na malawakan itong tinutulan ng mga magsasaka at mamamayan;
• kapareho ng aktitud sa ibang isyu, nagpapanggap ang rehimen na may pag-aalala dahil sa lumalawak na pagkundena ng taumbayan sa kronikong krisis sa palay at bigas, kung kaya mismong mga magsasaka, maralitang konsyumer at iba pang sektor ang dapat na sama-samang ipanawagang ipawalambisa na ang RLL, hindi lang temporaryo na itigil ang importasyon, ipawalambisa ang liberalisasyon sa importasyon, bagkus,

 Itaas ang presyo ng palay sa hindi bababa na P20 kada kilo;
 Bigyang kumpensasyon ang mga magsasaka apektado ng sunud-sunod na kalamidad at ibalik sa kanila ang naluging puhunan;
 Magbigay ng production subsidy na hindi bababa sa P25,000 kada ektarya;
 Kamtin ang 100% irrigation development sa bansa at ipatupad ang libreng irigasyon, at malawakang itayo ang mga post-harvest facilities bilang serbisyo sa mga magsasaka;
 Malawakang magbenta ng murang bigas ang National Food Authority sa P25 kada kilo;
 Isabatas ang House Bill 578 Rice Industry Development Act (RIDA) na panukala ng mga kinatawan ng Koalisyong Makabayan.

“Lumalakas ang panawagan ng taumbayan na ipawalambisa o i-repeal ang Rice Liberalization Law dahil ito ang puno’t dulo ng matinding krisis sa bigas at pagpatay ssa kabuhayan ng mga magsasaka. Ramdam ang epekto nito mula sa napakataas pa rin na presyo ng bigas at napakababang presyo ng palay. Sa ngayon, nananatiling #1 world’s rice importer ang bansa,” pagdidiin ni Cathy Estavillo, Amihan Secretary General at Spokesperson ng Bantay Bigas.

Dagdag niya, dapat ibasura na ang EO 62 ni Marcos at hindi na kailangang pag-aralan pa ng Malacanan dahil pagtapos ng isang taon, ebidensya ito na hindi ito solusyon dahil mataas pa rin ang presyo ng bigas at nanatiling lugi ang mga magsasaka dahil sa napakababang presyo ng palay at nitong nakaraang anihan ay umabot ng P7-8 kada kilo. Pabor sa malalaking trader, importer, smugglers at hoarders ang mga batas na ito. Kung pagbabatayan ang datos, umabot na ang import dependency ng bansa, mula sa 13% noong 2018 naging 25% sa kasalukuyan.

“Wala kaming ibang panawagan kundi labanan ang importasyon ni Marcos at higit sa lahat, dapat palakasin ang lokal na produksyon at ipatupad ang tunay na reporma sa lupa para sa kapanakan ng kabuhayan ng mga magsasaka at mamamayan. # # #

30/07/2025

Legal na Rekonsentrasyon, Pekeng Emansipasyon: SPLIT at NAEA, Pagwasak sa Kolektibong Pagsasaka

Tatlong taon sa ilalim ng rehimeng US-Marcos Jr.—tatlong taon ng sistematikong pagkamkam ng lupang sakahan, pagpapalayas sa masang anakpawis, at panibagong mga anyo ng pandarambong. Sa mantra ng “food security” at “emancipation,” binuksan ng estado ang panibagong yugto ng legal na rekonsentrasyon at pang-aagaw ng lupa.

Sa ilalim ng Support to Parcelization of Lands for Individual Titling (SPLIT), nasa 132,000 Certificate of Land Ownership Award (CLOA) umano ang naipamahagi—ngunit hindi ito bagong lupa. Hinati lamang ang dating mga kolektibong titulo at ipinasa bilang mga indibidwal na titulo, na mas madaling ibenta, isangla, o ikomersyalisa. Walang lupaing inilipat mula sa panginoong maylupa tungo sa mga tunay na nagbubungkal. Sa halip, binigyang-laya ang lupa na muling mapasakamay ng iilang mapagsamantala.

Ang New Agrarian Emancipation Act (NAEA) ay isa ring huwad na pangako ng kalayaan mula sa pagkalugmok. Hindi dapat kalimutan: si Marcos Sr. mismo ang nagpakana ng utang—iskema ng amortisasyon na naging daan upang muling maagaw ang lupa mula sa mga nagbubungkal. Ngayon, ang anak niyang si Marcos Jr. ang kunwa’y nagkakansela ng utang na sila rin ang lumikha. Emansipasyon daw—pero sa totoo’y pantabing sa patuloy na pagkakait ng karapatan sa lupa. Hawak pa rin ng estado at mga bangko ang kapalaran ng mga benepisyaryo.

Sa pag-aaral ng sa Negros, 18% lamang ng lupa ang tunay na pag-aari ng mga nagbubungkal. Sa buong bansa, higit 70% ng mga magsasaka ang nananatiling walang sariling lupa. Sa Tarlac, isang desisyong pabor sa Hacienda Luisita kamakailan ang lalong naglantad sa pagtaguyod ng estado sa interes ng mga panginoong maylupa—₱28 bilyong kabayaran sa mga Cojuangco, habang libu-libong magsasaka ang tinanggalan ng lupang ilang dekada na nilang binubungkal.

Ang SPLIT at NAEA ay mga neoliberal na programang nakabalatkayo bilang reporma. Ngunit sa esensya, binubuksan ng mga ito ang lupaing agrikultural sa komersyalisasyon sa pamamagitan ng indibidwal na titulong patungo sa monopolisasyon—isang hakbang tungo sa pagbebenta ng lupa sa mga real estate developer, agribusiness, at dayuhang mamumuhunan. Panlilinlang ito, at kontra-magsasakang mekanismong may tatak ng World Bank, para sa pakinabang ng mga imperyalistang bansa at lokal na galamay.

Kung hindi man hayagang kamkamin ang lupa sa pamamagitan ng dahas, inaagaw ito gamit ang batas na may basbas ng estado. Ang dating kolektibong tagumpay ng mga magsasaka ay unti-unting pinaghihiwa-hiwalay, upang ibalik sa bituka ng walang kabusugang sistema ng malakolonyal at malapiyudal na pagsasamantala.

Walang tunay na emansipasyon sa ilalim ng rehimeng US-Marcos Jr. na siyang pangunahing peste sa kabuhayan ng mga magsasaka. Kaya nararapat ipaglaban ang libreng pamamahagi ng lupa at isulong ang kolektibong bungkalan—na mangyayari lamang sa pamamagitan ng tunay na repormang agraryo para sa lahat, hindi para sa iilan.

Ibasura ang SPLIT at NAEA!
Tunay na reporma sa lupa, ipaglaban!


"[Poverty] and persecution compelled the agrarian reform beneficiaries (ARBs) to put their CLOAs under elicit arrangemen...
30/07/2025

"[Poverty] and persecution compelled the agrarian reform beneficiaries (ARBs) to put their CLOAs under elicit arrangements such as aryendo (land lease), prenda (land pawning), or an outright sale."

Learn how the World Bank-funded program SPLIT (Support to Parcelization of Lands for Individual Titling) aggravates and takes advantage of the poverty and persecution suffered by peasants to maintain land monopoly and undermine food sovereignty.

Read the report from Bulatlat.

Under the SPLIT project funded by the World Bank, no actual new land distribution takes place. Former Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano said that there are still more than 500,000 hectares of agricultural land undistributed.

29/07/2025

Address

Quezon City
Quezon City
1101

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura:

Share