17/10/2025
Habang milyon-milyon ang Pilipino ang patuloy na naghihirap, may mga gahaman pa ring walang sawang kumukupit sa kaban ng bayan. Ang ugat ng kahirapan ay hindi simpleng kakulangan, kundi malinaw na repleksyon ng pagpapabaya ng estado sa pagtugon sa pangangailangan ng mamamayan at sa pagpapanagot sa mga mapagsamantalang patuloy na nagnanakaw sa kabuhayan ng kapwa Pilipino.
Para sa maraming LGBTQI Filipinos, mas mabigat pa ang laban. Bukod sa sistemang pahirap, araw-araw din nilang hinaharap ang diskriminasyon sa trabaho, sa tahanan, at sa lipunan. Para mabuhay, marami sa kanila ang napipilitang pumasok sa informal work o unstable jobs na walang legal protections, benepisyo, o seguridad kaya mas nagiging vulnerable sa kahirapan. Sa isang sistemang bulok at hindi patas, lalong pinapahirap ng diskriminasyon ang mga komunidad na matagal nang isinasantabi.
Ang kahirapan ay resulta ng magkaugnay na anyo ng pang-aabuso at kawalang-katarungan. Poverty thrives in corruption and lack of accountability — sa mga anomalyang lumalabas sa mga proyektong dapat sana’y para sa masa, pero nauuwi sa bulsa ng iilan. Patuloy itong lumalala dahil bigo ang sistema na tugunan ang pang-araw-araw na laban ng mga Pilipinong nasa laylayan, habang ang iilan ay patuloy na nakikinabang sa kanilang paghihirap.
Ngayong International Day for the Eradication of Poverty, ipaalala natin: ang kahirapan ay hindi personal na pagkukulang, ito ay kabiguan ng sistema. Sama-sama nating singilin ang mga may kapangyarihan, tutulan ang korupsyon, at ipaglaban ang lipunang may dignidad, hustisya, at pagkakapantay-pantay para sa lahat. ✊🏽🌈
Photo credit: GMA Public Affairs, https://www.facebook.com/GMANetwork/posts/1107051310779047 (2024)