Klinika Bernardo

Klinika Bernardo The first ever social hygiene clinic (SHC) that caters mainly to Male who have sex with males. All walk in clients are welcome

12/2/2025 Kasalukuyang nagsasagawa nang libreng HIV testing Ang klinika Bernardo sa Quezon City Hall path Walk Sa mga na...
02/12/2025

12/2/2025

Kasalukuyang nagsasagawa nang libreng HIV testing Ang klinika Bernardo sa Quezon City Hall path Walk
Sa mga nais malaman Ang kanilang status maari po kayo mag tungo dito.

01/12/2025

"There is no shame. There should be no stigma. There should be no judgment. There should be no discrimination."

Panoorin ang mensahe ni Mayor Joy Belmonte sa flag raising ceremony ngayong umaga ukol sa ating paggunita sa World AIDS Day.

Overcome the Fear, Transform the Future: GET TESTED TODAY!Bilang bahagi ng paggunita ng World AIDS Day ngayong taon, may...
01/12/2025

Overcome the Fear, Transform the Future: GET TESTED TODAY!

Bilang bahagi ng paggunita ng World AIDS Day ngayong taon, mayroong libreng HIV Testing ang Quezon city Health Department hatid ng ating mga Social Hygiene at Sundown Clinic.

🗓️ December 1-5, 2025, 8AM to 4PM
📍 Quezon Cityhall Pathwalk

✅ Free HIV Testing
✅ Free PrEP
✅ Free Condom
✅ Free Hepa B testing
✅ Free Syphilis Testing



Bakit ginugunita ang World AIDS Day?Isa sa pinakamatandang kampanya at adbokasiya sa mundo - ginugunita ang World AIDS D...
30/11/2025

Bakit ginugunita ang World AIDS Day?

Isa sa pinakamatandang kampanya at adbokasiya sa mundo - ginugunita ang World AIDS Day tuwing December 1 taon-taon sa maraming bansa upang bigyang-halaga ang mga buhay na nawala dahil sa AIDS-related illnesses, at suportahan ang mga indibidwal na namumuhay na may HIV.

Sa paglipas ng panahon, naging daan din ang World AIDS Day upang labanan ang stigma at diskriminasyon kaugnay ng HIV. Isa itong panawaagan upang matiyak na may pantay na access sa tamang impormasyon, at serbisyong pangkalusugan ang bawat isa upang mamuhay nang normal at walang takot.

Ngayong taon, ang World AIDS Day ay isa ring panawagan upang magkaisa ang pamahalaan, komunidad, at civil society organizations sa pagtiyak ng sapat na resources at programang nagpoprotekta laban sa HIV-AIDS kahit sa panahon ng krisis o pagbabawas ng pondo.

Ipalaganap natin ang libreng access sa testing, gamutan, at prevention.
Huwag tayong tumigil sa adbokasiya. Sama-sama, kaya nating lumikha ng mundo na may malasakit at pantay na oportunidad para sa lahat.

Libre at confidential ang HIV testing sa Quezon City. Magtungo lamang sa ating mga Social Hygiene at Sundown Clinic.
Para sa iba pang impormasyon, maaaring mag-message sa aming page City Service Delivery Network+
Maaari ding tumawag sa mga sumusunod na numero
8988-4242 local 1609
8703-2759
09622747107




11/30/2025 Isang makabuluhang talakayan patungkol sa HIV and AIDS at testing Ang isinagawa nang Klinika Bernardo sa paki...
30/11/2025

11/30/2025

Isang makabuluhang talakayan patungkol sa HIV and AIDS at testing Ang isinagawa nang Klinika Bernardo sa pakikipagtulungan nang Sangguniang kabataan nang Barangay Old Capitol Site.

Maraming salamat Sangguniang kabataan ng Barangay Old Capitol Site

WALK FOR A CAUSE 🚶🚶‍♀️ Nakiisa si Mayor Joy Belmonte sa walk for a cause sa Liwasang Aurora ng Quezon Memorial Circle bi...
30/11/2025

WALK FOR A CAUSE 🚶🚶‍♀️

Nakiisa si Mayor Joy Belmonte sa walk for a cause sa Liwasang Aurora ng Quezon Memorial Circle bilang selebrasyon ng World AIDS Day 2025.

Pinangunahan ito ng Department of Health (DOH) at Philippine National AIDS Council (PNAC) katuwang ang lokal na pamahalaan at mga ahensya ng gobyerno.

May booths din ang QC Health Department (QCHD) para maghatid ng libreng test sa HIV/AIDS, syphilis, at hepa B.

Kasama sa programa sina DOH Sec. Ted Herbosa, PNAC Executive Director Joselito Feliciano, Usec. Farwa Hombre, DOH Metro Manila Center for Health Development Regional Director Lester Tan, WHO Acting Rep. Eunyoung Ko, Rosario Maclang Bautista General Hospital Director Dave Vergara, QCHD head Ramona Abarquez, at Dr. Louie Ocampo ng UNAIDS.

World AIDS Day 2025 would not have been possible without the commitment and cooperation of our partners.  We wholehearte...
27/11/2025

World AIDS Day 2025 would not have been possible without the commitment and cooperation of our partners.

We wholeheartedly recognize their meaningful contributions—not only to these activities, but to our overall fight against HIV and AIDS in the country.

Thank you for your unwavering support and solidarity.

Together, we continue moving toward a more inclusive, safer, and stigma-free Philippines.

QCITIZENS! Protect yourself with PrEP!Ang Pre-exposure Prophylaxis ay isang epektibong hakbang upang maingatan ang saril...
27/11/2025

QCITIZENS! Protect yourself with PrEP!

Ang Pre-exposure Prophylaxis ay isang epektibong hakbang upang maingatan ang sarili laban sa sakit na HIV.

May iba’t ibang paraan kung paano umpisahan at inumin ang PrEP, kaya mahalagang magpa-konsulta upang malaman ang tamang option para sa iyo.

Kung nais magsimula sa PrEP, bumisita na sa ating Social Hygiene Clinics at Sundown Clinic para sa kumpletong gabay, counseling, at impormasyon!

District 1-District 3
https://www.facebook.com/share/17P92rUnzg/

District 4 - District 5
https://www.facebook.com/share/16SF7hSRHM/

Stay Safe QCITIZENS!

Para sa iba pang health information, i-like at i-follow ang Quezon City Health Department Official page.



Walk with Purpose, Join the AIDS Walk!Makiisa sa makabuluhang araw ng pagkilos at paggunita ng World AIDS Day 2025 sa da...
27/11/2025

Walk with Purpose, Join the AIDS Walk!

Makiisa sa makabuluhang araw ng pagkilos at paggunita ng World AIDS Day 2025 sa darating na November 29, 2025 sa Liwasang Aurora sa Quezon Memorial Circle sa pangunguna ng Department of Health, Philippine National AIDS Council,at Quezon City Government kasama ang iba pang mga Civil Society Organizations na kasama natin sa adbokasiya.

Register na rito: https://tinyurl.com/WAD2025atQMC

Magsuot ng puti o p**a bilang pakikiisa.




Happening tonight here at SpectRoom Get tested and know your status 🫡
22/11/2025

Happening tonight here at SpectRoom
Get tested and know your status 🫡

9/27/2025Nagsagawa nang libreng HIV test at PrEP enrollment Ang klinika Bernardo sa Rapture Cafe Bar nitong sabado nang ...
28/09/2025

9/27/2025

Nagsagawa nang libreng HIV test at PrEP enrollment Ang klinika Bernardo sa Rapture Cafe Bar nitong sabado nang gabi. Isa ito sa mga hakbang para mas mailapit Ang serbisyo para sa mga tao

August 30,2025Nagsagawa nang libreng HIV testing Ang klinika Bernardo sa Rampa club Tomas morato ito ay Isang paraan upa...
02/09/2025

August 30,2025

Nagsagawa nang libreng HIV testing Ang klinika Bernardo sa Rampa club Tomas morato ito ay Isang paraan upang ilapit sa community Ang libreng HIV testing at para malaman nila Ang kanilang HIV status.

Malaking pasasalamat sa Rampa Club para sa magandang aktibidad na ito.

Address

3rd Floor, Klinika Batasan Building: Klinika Bernardo/IBP Road, Barangay Batasan Hills
Quezon City
1100

Opening Hours

Monday 3pm - 11pm
Tuesday 3pm - 11pm
Wednesday 3pm - 11pm
Thursday 3pm - 11pm
Friday 3pm - 11pm

Telephone

+639671556000

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Klinika Bernardo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Klinika Bernardo:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram