
21/07/2025
https://www.facebook.com/share/p/16rLuW7ypP/
Walang lugar ang diskriminasyon at stigma sa mundong may malasakit
Ang July 21 ay Zero HIV Stigma Day. Layunin nitong palakasin ang kamalayan ng buong mundo tungkol sa epekto ng stigma at diskriminasyon na may kaugnayan sa HIV. Ito rin ay araw upang pasimulan ang makabuluhang usapan, palaganapin ang pag-unawa, at hikayatin ang makataong pagkilos - lalo na sa mga taong nabubuhay na may HIV at mga apektado nito.
Ipakita ang suporta at itaguyod ang pagkakapantay-pantay
Wakasan ang stigma. Palaganapin ang wastong kaalaman tungkol sa HIV
Libre, confidential, at ligtas ang HIV testing sa ating mga social hygiene at sundown clinic.
Bisitahin ang link na ito sa listahan ng ating mga clinic.
https://www.facebook.com/share/16fjrxy3ed/?mibextid=wwXIfr
Magregister sa link na ito para sa libreng HIV Self-Testing Kit:
bit.ly/QCSTXReg
Para sa iba pang impormasyon sa mga HIV and STI services sa lungsod, I-like, i-follow o magmessage sa ating page. Maari ding tumawag sa ating QCESD Hotline
8703-2759
09622747107
8988-4242 loc 1609