Doc Porci

Doc Porci Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Doc Porci, Surgeon, St. Luke’s Medical Center, Quezon City.

Welcome sa Usapang Surgery with Doc Porci — ang tambayan ng mga kwentong surgical, mga paalala ni Doc, at simpleng paliwanag tungkol sa mga kondisyon na kailangan ng operasyon.

Sa likod ng bawat mahusay at ligtas na operasyon ay hindi lang talino, kundi taon ng training, mentorship, at tuloy-tulo...
25/05/2026

Sa likod ng bawat mahusay at ligtas na operasyon ay hindi lang talino, kundi taon ng training, mentorship, at tuloy-tuloy na paghasa ng kasanayan. 👨‍⚕️👩‍⚕️

Sa pamamagitan ng PSGS Metro Manila Chapter Basic Surgical Skills Workshop, ang mga experienced surgeons mismo ang nagtuturo at gumagabay sa mga nagsisimulang doctors at first year surgical trainees. Mula sa basic surgical techniques hanggang sa mas advanced na skills, tuloy-tuloy ang training at mentorship nila hanggang sa kanilang pag-graduate at pagiging ganap na surgeons.

Ito ang patunay na ang pagiging surgeon ay hindi basta-basta — dumaraan ito sa masusing practice, hands-on workshops, at gabay ng mga eksperto upang masigurong ligtas at dekalidad ang pangangalaga para sa bawat pasyente. 💙

Patuloy kaming naghuhubog ng susunod na henerasyon ng mga surgeon para sa mas maayos, mas ligtas, at mas mahusay na serbisyong medikal para sa lahat.

📍 PSGS Metro Manila Chapter
📌 Basic Surgical Skills Workshop

23/05/2026
🚨 PUBLIC ADVISORY 🚨Magandang araw po sa lahat ng followers at supporters ni Doc Porci.May mga nagsisimula pong gumawa ng...
20/05/2026

🚨 PUBLIC ADVISORY 🚨

Magandang araw po sa lahat ng followers at supporters ni Doc Porci.

May mga nagsisimula pong gumawa ng fake / unauthorized pages gamit ang pangalan at identity ni Doc Porci. Nais po naming ipaalam na ang page na nasa link sa ibaba ay HINDI opisyal na page ni Doc Porci.

⚠️ Huwag pong magbigay ng personal information, mag-send ng pera, o makipag-transact sa nasabing page.

👉 Paki-report po ang fake page na ito:
https://www.facebook.com/share/1EogndgLFq/

Maraming salamat po sa inyong suporta at pakikiisa upang mapanatiling ligtas ang online community natin. 🙏

— Usapang Surgery with Doc Porci

19/05/2026

Skin problems? I-follow at panoorin si Dra. Cat Para sa mga skin tips and healthy skin solutions.

Iniisip magpa-Bariatric Surgery? 🤍Ang bariatric surgery ay isang procedure na tumutulong sa pagpapapayat sa pamamagitan ...
18/05/2026

Iniisip magpa-Bariatric Surgery? 🤍

Ang bariatric surgery ay isang procedure na tumutulong sa pagpapapayat sa pamamagitan ng pagpapaliit ng tiyan para mas mabilis mabusog at mas kaunti ang makain. Makakatulong din ito sa pag-control ng diabetes, high blood, at iba pang health problems na konektado sa obesity. 🩺✨

Hindi ito “shortcut” sa pagpapapayat — ito ay isang medical procedure na may kasamang tamang gabay ng doktor at healthy lifestyle changes.

16/05/2026

LIBRENG KONSULTA SA BUKOL: MAAGA NATING MATUKOY, MAS MADALING GAMUTIN!
May napapansin ka bang bukol sa iyong leeg, dibdib, o iba pang parte ng katawan? Huwag itong balewalain o katakutan. Ang maagang pagpatingin ay susi sa mas ligtas na bukas! ❤️

Inaanyayahan ng Quezon City General Hospital (QCGH) Department of Surgery ang lahat para sa kanilang "OPERASYON BUKOL"—isang libreng konsultasyon para sa mga may bukol sa iba't ibang parte ng katawan.
📍 Saan: QCGH Outpatient Department (Surgery) Room 14
🗓️ Kailan: May 23-24, 2026 (Sabado at Linggo)
🕒 Oras: 8:00 AM – 4:00 PM

✅ Sino ang pwedeng pumunta?
Lahat ng may bukol (leeg, dibdib, bituka, atbp.)
Lalaki o babae, kahit anong edad

WALANG KAILANGANG BAYARAN! Walk-ins are welcome.
Huwag hayaang lumipas ang pagkakataong ito. Ang tamang impormasyon at maagang check-up ay abot-kamay niyo na nang libre. Magpatingin na para sa kapanatagan ng inyong isip at kalusugan!
Para sa mga katanungan, mag-text o tumawag sa:
📞 0932 552 0380

O mag-message sa official page ng QCGH Department of Surgery. https://www.facebook.com/share/1PFHNmn94w/?mibextid=wwXIfr
I-SHARE ANG POST NA ITO! Marami tayong kababayan na nangangailangan ng tulong na ito. I-tag ang inyong pamilya at kaibigan na taga-Quezon City at karatig-lugar!

15/05/2026

ERCP, ANO NGA BA ITO? 🤔

Alamin kay Doc Porci kung paano nakakatulong ang ERCP sa pagsusuri at paggamot ng mga problema sa bile duct, gallbladder, at pancreas. 🩺

Early diagnosis and proper surgical care can save lives. Don’t ignore warning signs—your health matters.
15/05/2026

Early diagnosis and proper surgical care can save lives. Don’t ignore warning signs—your health matters.

12/05/2026

LIVE CONSULTATION with Doc Porci
makakuha ng kaalaman at payo mula sa ating espesyalista! 💙
📌 Maghanda ng inyong mga katanungan
📌 Live Q&A at health discussion
📌 See you there!

Makisali sa aming LIVE CONSULTATION ngayong May 12 | 7:30PM onwards at makakuha ng kaalaman at payo mula sa ating espesy...
12/05/2026

Makisali sa aming LIVE CONSULTATION ngayong May 12 | 7:30PM onwards at makakuha ng kaalaman at payo mula sa ating espesyalista! 💙
📌 Maghanda ng inyong mga katanungan
📌 Live Q&A at health discussion
📌 See you there!

Address

St. Luke’s Medical Center
Quezon City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Doc Porci posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category