03/09/2025
TINGNAN: Sa pagtutulungan ng PhilHealth NCR Central at UP Health Service, matagumpay na naisagawa ang PhilHealth YAKAP Run 2025 noong Agosto 31, 2025, sa UP Academic Oval.
Pinangunahan ang event nina PhilHealth Acting President at CEO Dr. Edwin M. Mercado, PhilHealth NCR Central Vice President Dr. Bernadette C. Lico, PhilHealth NCR Central Branch Manager Atty. Recto Panti, Local Health Insurance Office Head Atty. Louie L. Rosario, UP President Atty. Angelo A. Jimenez, at UPHS Director Dr. Oliva Salvador-Basuel.
Kami ay taos-pusong nagpapasalamat sa UP Diliman HRDO at sa Office of the Vice Chancellor for Community Affairs (OVCCA) sa lahat ng kanilang tulong, gayundin sa Cardinal Santos Medical Center (CSMC) sa pagbibigay ng Hospital on Wheels sa panahon ng event. Namigay rin ang CSMC ng libreng sugar screening, blood pressure measurement, at mga CSMC merchandise sa mga rehistradong kalahok.
Dinaluhan ang PhilHealth YAKAP Run 2025 ng komunidad ng UP, mga opisyal at kawani ng PhilHealth, at iba pang stakeholders upang itaguyod ang PhilHealth YAKAP Program, isang programang naglalayong magbigay sa mga pangkaraniwang Pilipino ng libreng serbisyong pangkalusugan tulad ng medical consultation, laboratory tests, gamot, at screening.
Para sa mga nais magparehistro sa PhilHealth YAKAP Program, maaaring gawin ito sa:
π https://memberinquiry.philhealth.gov.ph/member/pinApplication.xhtml
π± eGovPH App
π’ Anumang PhilHealth office
π₯ UP Health Service Records Section, tuwing office hours
Ang PhilHealth YAKAP Program ay inaasahang masisimulan sa UP Health Service ngayong buwan. Magpapalabas po kami ng hiwalay na pabatid ukol dito. β€οΈ