25/04/2026
Nakiisa ang Philippine Academy of Acupuncture, Inc.(PAAI) sa sa opisyal na paglulunsad ng Healthy Workplace Program ng Pasig City General Hospital (PCGH) na may temang โThose Who Heal Also Deserve Careโ, na ginanap noong umaga ng April 20, 2026.
Dumalo sa makabuluhang programa ang Director General ng PITAHC na si Dr. Ma. Teresa Iรฑigo, kasama ang kagalang-galang na Mayor Vico Sotto; Councilor Eric Gonzales, Chairperson ng Committee on Health and Sanitation; Dr. Alicia P. Santos, Officer-in-Charge ng PCGH; at Mr. Dominic Sotto, Program Manager ng Department of Health โ Metro Manila Center for Health Development.
Nagpahayag din ng pasasalamat ang PITAHC sa mga partner organizations na nag-alay ng kanilang serbisyo at patuloy na sumusuporta sa pagpapaigting ng kalusugan ng ating mga mamamayan, sa pamamagitan ng TCIM Caravan:
1. Integrative Medicine for Alternative Healthcare Systems Inc. (INAM Philippines)
2. Philippine Academy of Acupuncture, Inc. (PAAI)
3. The Hilot Hub
4. Doc Rob and Associates Chiropractic and Wellness Center
Ang inisyatibang ito ay naglalayong itaguyod ang isang ligtas, malusog, at suportadong kapaligiran sa trabaho para sa mga health workers, bilang pagkilala sa kanilang mahalagang papel sa pangangalaga at pagpapabuti ng kalusugan ng komunidad.
https://www.facebook.com/share/p/1KV2KuzreQ/