
21/07/2025
Libreng Scoliosis Screening Para sa Pagdiriwang ng Ika-47 Anibersaryo ng National Disability Rights
Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Ika-47 Anibersaryo ng NATIONAL DISABILITY RIGHTS, isinagawa ang isang Libreng Scoliosis Screening nitong ika-17 ng Hulyo 2025, sa Teodora Alonzo Elementary School, Quezon City na siyang pinangunahan ng mga masisipag na doktor at kawani ng QMMC Department of Rehabilitation Medicine. Sa kabuuan, nasa mahigit 106 na estudyante mula sa elementarya ang nakilahok sa libreng pagsusuri na ito.
Ang pangunahing layunin ng nasabing aktibidad ay magbigay ng libreng pagsusuri ng scoliosis sa mga mag-aaral sa elementarya, maipalaganap ang kaalaman at maagang matukoy ang mga kondisyon sa gulugod na maaaring makaapekto sa paglaki, tindig, at pangkalahatang kalusugan ng mga bata. Bukod dito, ilang g**o mula sa paaralan ang nakibahagi rin sa screening at nagpa-assess bilang bahagi ng inklusibong inisyatiba para sa kalusugan.
Sa pamamagitan ng pagkakaisang ito, pinagtibay at binigyang-diin ng QMMC Rehab Medicine Team ang kahalagahan ng maagap na pag-aksyon sa mga isyung musculoskeletal at ipinakita ang kanilang dedikasyon sa pagtataguyod ng karapatan at kapakanan ng mga taong may kapansanan.
Sa kabuuan, positibong tinanggap ng mga g**o at magulang ang nasabing aktibidad na siyang nagpapatunay sa halaga ng pagtutulungan at maagap na serbisyong pangkalusugan sa loob ng mga paaralan.
Lubos pinasasamalatan ang pamunuan at mga kawani ng Teodora Alonzo Elementary School sa kanilang suporta at pakikiisa, na naging susi sa matagumpay na pagpapatupad ng aktibidad.