30/12/2025
QCITIZENS! Sama-sama nating salubungin ang Bagong Taon nang ligtas at masaya! 🎆
Paalala sa lahat na umiwas sa mga paputok upang maiwasan ang aksidente at pinsala.
Mas mainam pa rin ang manood na lamang ng mga ligtas at legal na fireworks display para sa kaligtasan.
Kung sakaling magkaroon ng pinsala dahil sa paputok, sundin ang mga sumusunod:
✅Hugasan agad ang sugat gamit ang malinis at malamig na tubig sa loob ng 10–20 minuto (Huwag gumamit ng yelo)
✅ Takpan ang sugat ng malinis na tela o sterilized gauze pad
✅ Tumawag sa mga emergency number kung kinakailangan ng agarang tulong, o magtungo agad sa pinakamalapit na ospital o klinika
❗ PAALALA! Huwag maglagay ng toothpaste, mantikilya, s**a, o anumang pamahid na hindi inireseta ng doktor
Kaya ngayong bagong taon, TRADISYON ANG SAYA, HINDI DISGRASYA!
Para sa mga emergency case, maaaring tumawag sa mga numerong makikita sa ibaba:
☎️ DOH: 1555
☎️ QC Helpline: 122
☎️ QC Red Cross: 0968 883 1967
☎️ DPOS: 8400-0599 / 8710-1871 / 8924-1851
☎️ Quezon City Fire District: 8928-8363
☎️ QCDRRMO: 89884242 LOC 8038 / 8928-4396
Para sa iba pang health tips, i-like at i-follow ang Quezon City Health Department Official page.