06/01/2026
Nasa mga Pilipino ang katapusan ng lahat ng nararanasan natin ngayon - binabaha tayo tuwing naulan, kulang ang eskuwelhan, walang matinong farm to market road, mahal ang presyo ng mga pangunahin bilihin, mahirap magkasakit, naglipanan ang droga, non-stop na nakawan at pandarambong sa gobyerno at iba pa.
Kung naiibigan ninyo ng ganitong sistema sa buhay natin bilang isang bansa, ang ninanakawan ka, kapag nagreklamo ka ay ikukulong ka, iyong mga lider natin ay nagtatampisaw sa luho, s*x at droga, patuloy na nagmamahal ang mga binibili mo sa palengke, aba e, di sambahin at mahalin ninyo si Bongbong Marcos gaya ng ginagawa nina Claire Castro, Tito Sotto at mga naka-payroll na mga bloggers sa PCO at sa mga PR company na binabayaran ng ating gobyerno para palaging mabango ang rehimeng Marcos Junior.
Hindi po ako mananawagan ng Marcos Resign. Hindi rin po ako mananawagan sa sundalo na tulungan ang mga civilian, Hindi rin po kami magsasabing mastermind sa lahat ng nabanggit ang mga Romualdez, Araneta, at Marcos, kasi bawal daw po iyan at maari kaming makasuhan ng inciting to sedition at mabilanggong gaya ng general.
Itutuloy na lamang namin ang pamumundok, paglilinang, pagsasaka at pagbubukid para may makain kami at ang paghahanda sa malalaking sakuna na maaring dumating sa buhay ng Pilipino.
At higit sa lahat itutuloy namin ang pagdarasal. Bahala na po kayo Diyos na Makapangyarihan sa lahat. Gawin na po ninyo ang lahat ng nararapat.