24/09/2025
⛈️Sa paparating na bagyo, pinagiingat po natin ang lahat lalo na ang mga pasyente ng dialysis na malayo at mga taga tawid dagat. 🌊☔️🌀
Kung sa kadahilanang imposibleng makapagdialysis dahil sa sama ng panahon, maari pong gawin ang mga sumusunod:👇🏼
1 . Pagiwas na kumain ng sobrang prutas at pagjuice na maaring makapagpataas biglaan ng potassium.
2. Pagiwas na uminom ng sobrang dami ng tubig na maaring magdulot ng biglaang pagdami ng tubig sa baga at katawan.
3. Pagiwas sa pagkain ng maaalat na maaring magdulot ng pamamanas.
4.Siguraduhing kontrolado ang presyon at sugar sa pamamagitan ng paginom ng maintenance na gamot at pagmomonitor ng bp st sugar bahay.
5.Maghanda ng mga gamot na pang-emergency katulad ng clonidine para sa presyon, furosemide na pangpaihi, isosorbide mononitrate para sa sakit/bigat ng dibdib at pangnebulize.
Tandaan❗️Ang mga ospital po ay di nagsasarado kahit na bumabagyo kaya wag magatubiling pumunta sa pinakamalapit na ospital kung may nararamdaman.🏥👨⚕️👩⚕️
STAY SAFE EVERYONE 🙏