17/11/2021
Mga Pagkain na makakatulong makaiwas sa Prostate enlargement
1. Sesame seed- ang sesame seeds ay puno ng zinc.Ang taong may Benign Prostatic Hyperplasia/BPH o prostate cancer ay mababa ang zinc sa kanyang katawan.
2.Salmon- ito ay nagtataglay ng omega-3 fatty acids na nakakatulong upang makaiwas sa paglaki ng prostate.
3.Kamatis- ang mga kamatis ay mayroong lycopene, isang antioxidant na maaaring makatulong sa prostate gland cells.
4.Tokwa- mayroong soy isoflavones ang tofu na tumutulong sa mga sintomas ng mga urinary tract symptoms dahil sa BPH.
5.Berries-ang mga strawberry, blueberry, raspberry, at blackberry ay mahusay na pinagmumulan ng mga antioxidant, na tumutulong sa pag-alis ng mga free radical mula sa katawan. Ang mga free radical ay ang mga byproduct ng mga reaksyon na nangyayari sa loob ng katawan at maaaring magdulot ng pinsala at sakit sa paglipas ng panahon.
6.Broccoli-ang broccoli at iba pang cruciferous na gulay, kabilang ang bok choy, cauliflower, Brussels sprouts, at repolyo, ay naglalaman ng kemikal na kilala bilang sulforaphane. Ito ay nakakatulong matanggal ang mga cancer cell at mapanatiling malusog prostate.
7.Mani-ang mga mani ay mayroong mataas na zinc na malaki ang maitutulong sa reproductive health.
8.Bawang at Sibuyas- ang bawang at sibuyas ay may anti-inflammatory, anti-cancer at antioxidant effect. Dahil sa mga epektong ito, ginamit ang bawang at sibuyas bilang panggamot sa kanser sa prostate at pagpapagaan ng mga sintomas ng BPH.