30/07/2025
Dahil sa magnitude 8.7 na lindol sa silangang baybayin ng Kamchatka, Russia kaninang 7:25 ng umaga ay naglabas ng advisory ang DOST-PHIVOLCS.
Suspendido na din ang byahe ng mga pampasaherong bangka ngayong hapon.
Batay sa revised magnitude calculations and tsunami wave models in the Pacific Tsunami Warning Center, inaasahang makararanas ang mga baybaying bahagi ng Pilipinas na nakaharap sa Pacific Ocean ng tsunami na may taas na mas mababa sa isang (1) metro. Inaasahang darating ang unang mga alon ng tsunami sa pagitan ng 01:20 PM hanggang 02:40 PM, ika-30 ng Hulyo 2025 (PST).
Maaaring hindi ito ang pinakamalaking alon at maaaring magpatuloy ang pagdating ng mga alon sa loob ng ilang oras.
Ang publiko ay pinapayuhan na maging alerto sa mga hindi pangkaraniwang alon. Pinapayuhan din ang lahat na MANATILI SA MALAYO SA DALAMPASIGAN AT HUWAG PUMUNTA SA BAYBAYIN.
Ang mga taong ang mga bahay ay malapit sa baybayin ng mga lalawigang ito ay pinapayuhan na LUMIKAS o LUMAYO MULA SA DALAMPASIGAN.
Pinapayuhan ang mga mangingisda na ipagpaliban ang pagalaot ngayong hapon. Para sa mga may-ari ng bangka, siguruhin na maayos at ligtas ang mga ito sa lugar na inyong pagdadaungan.