RHU Rizal Nueva Ecija

RHU Rizal Nueva Ecija Official page of Rizal Nueva Ecija - Municipal Health Office

16/03/2024
07/03/2024
Schedule ng bakuna ni Baby💉 at check-up ni Buntis🫄🏻. Kitakits mommies👩‍⚕️👨‍⚕️
06/03/2024

Schedule ng bakuna ni Baby💉 at check-up ni Buntis🫄🏻. Kitakits mommies👩‍⚕️👨‍⚕️

Happy National Women’s Month 💜
05/03/2024

Happy National Women’s Month 💜

ABANTE MGA BABAE!

Babae ako… of course, ako ay strong and independent woman.

Isang pagpupugay para sa lahat ng mga kababaihan. Lagi po natin tandaan na sa ating lipunan, tayo ay may halaga at may taglay na sariling lakas, puso at galing! Continue to shine, and always remember, BABAE KA, HINDI BABAE LANG.

Happy National Women's Month 💜

Magandang araw po. Ito po ang proseso ng Konsulta sa Out-Patient-Department (OPD) sa Dr. PJGMRMC.
28/02/2024

Magandang araw po. Ito po ang proseso ng Konsulta sa Out-Patient-Department (OPD) sa Dr. PJGMRMC.

  💙💫
22/02/2024

💙💫

Kumusta ang puso mo, kawaning may angking galing? Maayos po na nagampanan ng ating lokal na  pamahalaan katuwang ang Riz...
20/02/2024

Kumusta ang puso mo, kawaning may angking galing?

Maayos po na nagampanan ng ating lokal na pamahalaan katuwang ang Rizal-Rural Health Unit ang How's Your Heart Program na handog para sa mga empleyado ng ating LGU. Ang programa pong ito ay tumagal ng limang araw (February 14-20,2024) na kung saan ang mga empleyadong nasa edad 40 pataas ay sumailalim sa iba't ibang libreng physical health examination tulad ng lipid profile laboratory test, ECG, at health consultation. Layunin po ng programang ito na tayahin ang kasalukuyang estadong pangkalusugan ng bawat empleyado at upang malaman at matugunan ang maaaring nakaambang problema na siyang makaaapekto sa kabuuang estado ng mga empleyado. Mula po sa kabuuang bilang na 274 kawaning nasa edad 40+, 255 dito ang sumailalim sa ECG test at 235 na kawani naman po ang sumailalim sa lipid profile laboratory test. Sa pamamagitan po ng ganitong klase ng programa ay mas naipararamdam natin ang tunay na pagmamahal at pag-aaruga ng lokal na pamahalaan sa mga manggagawa nitong taos-pusong naglilingkod para sa mga kapwa Rizaleño at para sa buong bayan ng Rizal.

💙💫

18/02/2024
Makabuluhang Hakbang Kontra Dengue, SinimulanMatagumpay pong isinagawa ng ating lokal na pamahalaan katuwang ang  Rizal-...
06/02/2024

Makabuluhang Hakbang Kontra Dengue, Sinimulan

Matagumpay pong isinagawa ng ating lokal na pamahalaan katuwang ang Rizal-RHU sa pangunguna ni Municipal Sanitary Inspector Engr. Willie Duque gayun din ang mga Brgy. Officials ang National Dengue Prevention and Control Program sa Brgy. Macapsing nitong ika-6 ng Pebrero. Kabilang po ang mga sumusunod sa mga serbisyong parte ng programa: case and vector surveillance, case diagnosis and management, outbreak response, health promotion and advocacy, at huli ay research. Layunin po ng nasabing programa na mapigilan at ma-kontrol ang pagkalat at pagtaas ng kaso ng dengue sa buong bansa kaya naman po sinisikap ng ating lokal na pamahalaan na maagapan ang ganitong klase ng kaso bago pa ito tuluyang lumala.

Samantala, kung ikaw po ay may kakilala na naging biktima ng dengue sa inyong barangay ay magtungo lamang sa ating RHU upang mabilis na maisagawa ang mga hakbang tulad ng Dengue Case Surveillance at Space Spraying Kontra Dengue. Tandaan, ang pagkakaroon ng protektadong pangangatawan ay ating armas kontra sa mga sakit na nagmamanman.

💙💫

Naging matagumpay po ang isinagawang Child’s Right and Responsibilities and Teenage Pregnancy Awareness Program ng Depar...
02/02/2024

Naging matagumpay po ang isinagawang Child’s Right and Responsibilities and Teenage Pregnancy Awareness Program ng Department of Education, kaagapay ang Bicos National High School , Department of Social Welfare and Development, at ng Rural Health Unit ng ating bayan.

Ang nasabing programa ay ginanap sa Bicos National High School nitong ika-2 ng Pebrero, 2024.

Ayon sa RHU, malaki ang epekto ng ginanap na programa dahil nakatutulong ito upang malaman ng mga mag-aaral ang kanilang mga karapatan, at mga dapat gawin sa lipunan.

Bukod pa rito, layunin din po nito na pababain ang bilang ng mga dropout sa mga babaeng estudyante dahil sa maagang pagbubuntis at kung ano ang maaaring maging dulot nito sa kanila.

Sa kasalukuyan, nilalayon ng mga nasabing ahensya na malibot pa ang ibang mga eskwelahan dito sa ating bayan sa mga susunod na buwan.

💙💫

Bakuna kontra influenza at pneumonia, ibinibigay na 💉Matagumpay po na isinagawa ang National Immunization Program sa apa...
30/01/2024

Bakuna kontra influenza at pneumonia, ibinibigay na 💉

Matagumpay po na isinagawa ang National Immunization Program sa apat (4) na barangay dito sa ating bayan ng Rizal kabilang na ang Canaan East, Canaan West, Bicos at Maligaya ngayong ika-30 ng Enero. Ang programa pong ito ay inisyatibo ng Kagawaran ng Kalusugan na siya namang inihahatid ng ating lokal na pamahalaan katuwang na ang Rizal-Rural Health Unit (Rizal-RHU). Libre pong naihatid ang mga sumusunod na serbisyo sa nasabing tatlong barangay: Anti Influenza Virus Vaccination at Anti Pneumonia Virus Vaccination. Layunin po ng programa na magbigay ng madaling access sa pagbabakuna sa pangkalahatang populasyon, lalo na sa mga may mahihinang resistanya tulad ng mga nakatatanda, batang maliit, at mga taong may mga sakit na nagpapahina sa kanilang kalusugan.

💙💫

Municipality of Rizal01/29/2024The Local Government of Rizal, led by Mayor Trina Andres, formally welcomed Doctor To The...
29/01/2024

Municipality of Rizal
01/29/2024

The Local Government of Rizal, led by Mayor Trina Andres, formally welcomed Doctor To The Barrio, Dr. Lady Jheverdhelynne Santos Tolentino assigned by the Department of Health (Philippines) in the Municipality of Rizal, Nueva Ecija during our flag raising ceremony.





Address

Bongabon-Rizal-Aurora Road
Rizal
3127

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when RHU Rizal Nueva Ecija posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share