RHU - Rizal Nueva Ecija

RHU - Rizal Nueva Ecija Official Page of Rural Health Unit, Rizal NE

πŸ’‰ Small shot, big dreams! βœ… Libre po ang bakuna para sa proteksyon sa tigdas, rubella, tetanus at HPV β€” para sa batang m...
07/08/2025

πŸ’‰ Small shot, big dreams! βœ…

Libre po ang bakuna para sa proteksyon sa tigdas, rubella, tetanus at HPV β€” para sa batang masigla, masaya at may maliwanag na bukas! πŸŒžπŸ©΅πŸŽ’

Antayin lamang po ang schedule sa inyong mga schools ng ating School-based Immunization Program πŸ€—

πŸ’«

Simula na bukas!
05/08/2025

Simula na bukas!

πŸ“ˆ Higit walong libong kababaihan, naitalang may cervical cancer noong 2022. Nananatiling pangatlong nangungunang uri ng ...
05/08/2025

πŸ“ˆ Higit walong libong kababaihan, naitalang may cervical cancer noong 2022. Nananatiling pangatlong nangungunang uri ng kanser ang cervical cancer sa mga kababaihan.

βœ… Maaari itong maiwasan sa pamamagitan ng HPV vaccination. Kaya habang maaga, magpabakuna na.

πŸ₯ Bumisita sa health center para sa schedule ng pagbabakuna.

Isang paalala ngayong National Adolescent Immunization Month.




Sa darating na August 4 and 5, 2025 sa Barangay Poblacion Sur Gym ay gaganapin ang TB Mass Screening at Libreng Chest X-...
03/08/2025

Sa darating na August 4 and 5, 2025 sa Barangay Poblacion Sur Gym ay gaganapin ang TB Mass Screening at Libreng Chest X-ray examination handog po ng ating Pamahalaang Bayan sa pangunguna ng ating Mayor Trina Andres, Vice Mayor Lito Andres, Department of Health at ng ating Rural Health Unit. Amin pong iniimbitahan ang mga may ubong 2 lingo at mahigit pa, nangangayayat, nilalagnat sa gabi, may pananakit ng dibdib at likod, pagdura ng dugo, mga may diabetes, mga naninigarilyo at umiinom ng alak, membro ng 4P's, senior citizen, trycycle driver, jeepney driver, may kasamang may TB sa kanilang bahay iba pang nagnanais na malaman ang lagay ng kanilang baga, na samantalahin ang pagkakataon na ito na magpakonsulta at malaman ang lagay ng inyong baga. Kasabay po nito ang Libreng pagpaparegistro sa PhilHealth, kaya ano pa ang hinihintay nyo, TARA NA AT SAMANTALAHIN ANG PAGKAKATAONG ITO!

August 1-7 is World Breastfeeding Week. For lactating Filipinas, here’s a guide for the daily recommended dietary intake...
01/08/2025

August 1-7 is World Breastfeeding Week. For lactating Filipinas, here’s a guide for the daily recommended dietary intake for Go, Grow, and Glow foods.

For every plate of meal, half should be composed of GLOW foods, with more vegetables than fruits. GO and GROW foods should fill up the other half, with GO foods (rice, corn, bread, oatmeal) taking a bigger portion than GROW foods (meats, eggs, poultry, fish, beans, and legumes).

In short, lactating women should eat more veggies!

20/07/2025
IWASAN ANG MAAGANG PAGBUBUNTIS!Ang kabataan ay pag-asa ng bayan β€” huwag hayaang maantala ang iyong mga pangarap dahil sa...
19/07/2025

IWASAN ANG MAAGANG PAGBUBUNTIS!

Ang kabataan ay pag-asa ng bayan β€” huwag hayaang maantala ang iyong mga pangarap dahil sa mga desisyong maaaring iwasan.

Maagang pagbubuntis ay may kaakibat na mga panganib:
❌ Maagang paghinto sa pag-aaral
❌ Panganib sa kalusugan ng ina at sanggol
❌ Kakulangan sa emosyonal at pinansyal na kahandaan
❌ Mabigat na responsibilidad sa murang edad

Pero *may paraan* upang ito’y maiwasan!
βœ… Mag-aral nang mabuti
βœ… Makinig sa payo ng magulang at g**o
βœ… Alamin ang tamang impormasyon tungkol sa reproductive health
βœ… Igalang ang sarili at ang kapwa

πŸ‘©β€πŸŽ“πŸ‘¨β€πŸŽ“ *Kabataan, ikaw ang may kontrol sa iyong kinabukasan!*
Huwag matakot magtanong at matuto β€” mas ligtas, mas handa, mas responsable!

πŸ“Œ Tandaan: **"Ang tunay na pagmamahal ay marunong maghintay."**
Piliin ang tamang panahon. Piliin ang magandang kinabukasan. 🌟




19/07/2025

🚨 DOH, NAGBABALA LABAN SA LEPTOSPIROSIS NA MAAARING MAKUHA SA BAHA 🚨

Huwag maglaro at iwasang lumusong sa baha. Mapanganib ang mga mikrobyo mula sa mga basura at dumi na maaring magdulot ng leptospirosis. 🦠

Maaaring magkaroon ng komplikasyon sa atay, bato, at puso ang taong mapapasukan ng mikrobyong leptospira sa katawan.

Kung sakaling malulubog sa baha, agad na maghugas ng katawan gamit ang tubig at sabon. Agad ding kumonsulta sa doktor kung lumusong sa baha nang may sugat o kung makararanas ng sintomas tulad ng lagnat at pananakit ng katawan.

Tumawag sa Telekonsulta hotline 1555 (press 2) para sa mabilis na konsultasyon. πŸ“ž




Alam mo ba? πŸ€”Ang Sudden Cardiac Arrest ay isa sa mga pangunahing sanhi ng kamatayan sa mundo. 80% ng out-of-hospitals ca...
17/07/2025

Alam mo ba? πŸ€”

Ang Sudden Cardiac Arrest ay isa sa mga pangunahing sanhi ng kamatayan sa mundo. 80% ng out-of-hospitals cardiac arrests ay nangyayari sa bahay kung saan pamilya ang unang nakasasaksi.

Ngayong National CPR Day, matuto mag CPR!
Sa tamang kaalaman, maaring makapag ligtas ng buhay!

Tandaan ang S.A.G.I.P:
S – Survey the scene and check the situation πŸ‘€
A – Assess the victim πŸ§‘β€βš•οΈ
G – Get help. Call 911 or your local emergency hotline. πŸ“²
I – Initiate CompressionπŸ’“
P – Place Automated External Defibrillator (AED) pads if available⚑

𝐏𝐚𝐠𝐬𝐚𝐬𝐚𝐧𝐚𝐲 𝐚𝐭 𝐊𝐚𝐑𝐚𝐧𝐝𝐚𝐚𝐧 𝐏𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧 ✨Sa tulong ng DOH - Health and Emergency Management Staff (HEMS) ay sumailalim po ...
16/07/2025

𝐏𝐚𝐠𝐬𝐚𝐬𝐚𝐧𝐚𝐲 𝐚𝐭 𝐊𝐚𝐑𝐚𝐧𝐝𝐚𝐚𝐧 𝐏𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧 ✨

Sa tulong ng DOH - Health and Emergency Management Staff (HEMS) ay sumailalim po muli ang ating mga kasamahan mula sa RHU at MDRRMO sa isang Basic Life Support & Standard First Aid Training.

Ito po ay aming hakbangin upang mas lalo pang palakasin ang pwersa ng ating emergency response team lalo na sa pagresponde at pagligtas ng buhay sa panahon ng sakuna.

πŸ’«
πŸ’™πŸŒŸ

πŸ“PABATID
13/07/2025

πŸ“PABATID

Ang hypertension ay isang karamdaman kung saan ang presyon ng dugo ay tumataasβ€”lagpas sa 140 sa systolic at 90 sa diasto...
30/06/2025

Ang hypertension ay isang karamdaman kung saan ang presyon ng dugo ay tumataasβ€”lagpas sa 140 sa systolic at 90 sa diastolic. Kadalasan, wala itong sintomas kaya’t kilala rin ito bilang β€œsilent killer.”

Mahalaga ang regular na pagpapasuri ng blood pressure.
Kapag mataas ang presyon ng dugo, ipinapayo ng doktor na inumin nang regular ang iniresetang gamot at sundin ang malusog na pamumuhay upang maiwasan ang mga komplikasyon tulad ng atake sa puso o stroke.

Paalala rin po ang mga sumusunod upang makaiwas sa hypertension:
Kumain ng masustansya at iwasan ang maaalat at matatabang pagkain.
Maging aktiboβ€”mag-ehersisyo nang regular, tulad ng paglalakad o pagbibisikleta.
Inumin ang gamot ayon sa reseta ng doktor.

Alagaan ang mental na kalusuganβ€”i-manage ang stress, magpahinga nang sapat, at iwasan ang bisyo tulad ng pag-inom ng alak at paninigarilyo.

-
MS. AGNES N. ALIPIO
Senior Health Program Officer
Non-Communicable Diseases Cluster

Address

Rizal
3127

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when RHU - Rizal Nueva Ecija posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share