15/07/2025
π©ββοΈ Panauhing Medikal: Dr. Noreen Esmino - Florendo sa Net 25
π TV Guesting | Hulyo 14, 2025
πΊ KADA UMAGA β Net 25Noong Hulyo 14, 2025, si Dr. Noreen Esmino - Florendo ang ating Pediatrician sa Esmino clinic, ay naging panauhing medikal sa programang KADA UMAGA ng Net 25 upang talakayin ang Kawasaki Disease β isa sa mga pangunahing sanhi ng acquired heart disease sa mga bata sa Pilipinas.
Narito ang ilang mahahalagang kaalaman tungkol sa Kawasaki Disease na dapat malaman ng bawat magulang:
π΄ Ano ang Kawasaki Disease?Isang bihira ngunit seryosong kondisyon na nagdudulot ng pamamaga sa mga daluyan ng dugo, karaniwang nakakaapekto sa mga batang wala pang 5 taong gulang.
β οΈ Mga Sintomas na Dapat Bantayan:
1. Lagnat na tumatagal ng mahigit 5 araw
2. Pamumula ng mata na walang muta
3.Dry at nagbabalat na labi at mapulang dila na parang strawberry
4. Namamaga at namumulang mga kamay at paa, na susundan ng pagbabalat
5. Pantal or rashes sa katawan
6. Namamagang kulani sa leeg
π« Bakit Mahalaga?
Kapag hindi agad na-diagnose at nagamot, maaaring magdulot ito ng coronary artery aneurysm at iba pang komplikasyon sa puso.
π Gamot at Lunas:
Karaniwang ginagamit ang IVIG (intravenous immunoglobulin) at aspirin bilang paggamot. Epektibo ito kung maibibigay sa maagang yugto ng sakit.
πΆ Sino ang Madalas Maapektuhan?
Kadalasang tinatamaan ang mga batang wala pang 5 taong gulang, lalo na ang mga lalaki. Hindi pa tiyak ang sanhi, pero pinaniniwalaang may kinalaman ito sa abnormal na immune response matapos ang isang impeksyon.
π‘ Paalala sa mga Magulang:Kung may lagnat ang inyong anak na hindi nawawala at may alinman sa mga sintomas sa itaas, agad kumonsulta sa pediatrician. Ang maagap na aksyon ay makapagliligtas ng buhay.
πSi Dr. Noreen Esmino - Florendo ay tumatanggap ng mga pasyente sa kanyang mga clinic sa Batasan Quezon City at Montalban Rizal, kung saan inaalok niya ang pediatric at lifestyle medicine consultations na nakatuon sa preventive care at kabuuang kalusugan ng bata.
π± Para sa karagdagang kaalaman at updates, i-follow ang page: Esmino Clinic
Check-up and consultation:
ππππππ πΎπππππΎ π½πΌππΌππΌπ π½ππΌππΎπ
Mon - Sat (2pm-4pm) PEDIA/Lifestyle medicine Dra Noreen EsminoCel no. 09289688619
ππππππ πΎπππππΎ Extension -
3 Emerald street, Northview 1 Batasan Hills QC
Mon - Sat (8am to 10am)Mon - Sat (5pm to 7pm)
PEDIA/Lifestyle medicine Dra Noreen EsminoCel no. 09289688619 (BY appointment only)
ππππππ πΎπππππΎ πππππΌππ½πΌπ π½ππΌππΎπ
Mon - Sat (10am to 2pm)
PEDIA/ Lifestyle medicine Dra Noreen Esmino
Cel. No: 09289688619
πππ£ πππ©ππ€ πππππππ‘ πΎππ£π©ππ§
Mon - Sat (by appointment)
PEDIA/ Lifestyle medicine Dra Noreen Esmino
Cel. No: 09289688619