10/03/2025
Mga Summer Tips para sa May CKD! π
Mainit na ang panahon! Habang masarap maglakwatsa, mahalaga pa rin ang pag-aalaga sa kalusugan, lalo na sa may Chronic Kidney Disease (CKD). Heto ang ilang tips para manatiling ligtas ngayong tag-init:
π§ Uminom ng Tama β Kung pinapayagan ng doktor, uminom ng sapat na tubig para manatiling hydrated. Pero kung may fluid restriction ka, sundin ito! Puwede rin ang yelo o kumain ng malamig na prutas gaya ng pakwan (pero huwag sobra).
π₯ Piliin ang Healthy na Pagkain β Masarap ang inihaw at maalat na pagkain sa summer, pero mas mabuti ang low-sodium at kidney-friendly meals. Piliin ang sariwang prutas at gulay gaya ng mansanas, pipino, at bell pepper.
π§΄ Protektahan ang Balat β May mga gamot sa CKD na nagpapasensitibo ng balat sa araw. Gumamit ng sunscreen, sumbrero, at preskong damit para iwas sunburn.
πΆββοΈ Gumalaw, Pero Huwag sa Matinding Init β Mag-exercise nang maaga sa umaga o hapon para iwas sa matinding sikat ng araw.
βοΈ Alamin ang Tamang Tubig sa Katawan β Mainit ang panahon kaya puwedeng ma-dehydrate, pero delikado rin kung sobra ang tubig sa katawan. Sundin ang payo ng doktor.
π₯ Maging Alerto sa Senyales ng Problema β Hilo, pamamaga, o sobrang pagod? Maaaring sintomas ito ng dehydration o fluid overload. Huwag balewalain, kumonsulta agad kung kinakailangan.
Enjoy ang summer nang ligtas at alagaan ang iyong kidneys! ππ