03/06/2025
βοΈDialysis Tips para sa Tag-ulanβοΈ
Panatilihing healthy at safe kahit maulan!
Ngayong tag-ulan, importante ang extra ingat lalo na sa mga dialysis patients. Heto ang ilang tips para sa inyo:
π§1. Sundin ang fluid restriction:
Dahil malamig ang panahon, baka mapainom ka ng sobra. Pero tandaan - bawal pa rin ang sobrang sa tubig!
π²2. Kumain ng warm at low-sodium na pagkain:
Masarap ang mainit na sabaw sa malamig na panahon, pero piliin ang low-salt para iwas fluid retention at mataas na presyon ng dugo.
π§°3. Protektahan ang gamot:
Ilagay ang meds sa airtight container para hindi pasukin ng moisture.
π4. Magplano ng biyahe:
Maulan = traffic o baha. Mag-schedule ng maaga at laging may backup plan papunta sa dialysis center.
π5. Laging may contact info ng center:
Importanteng accessible ang phone number ng center mo para sa emergency o biglaang pagbabago ng panahon.
πβ€οΈ Alagaan ang sarili - rain or shine!
May tips ka rin ba tuwing tag-ulan? Share mo na sa comments! π
Send a message to learn more