Municipal Health Office - Bayan ng Montalban

Municipal Health Office - Bayan ng Montalban Care beyond service

22/08/2025
19/08/2025

KASO NG LEPTOSPIROSIS KADA ARAW, BUMABA; 49 LEPTOSPIROSIS FASTLANES SA BANSA PATULOY ANG OPERASYON

Bumaba sa 10 ang naitalang leptospirosis cases kada araw simula August 10 hanggang August 14, kung ikukumpara sa halos 200 na kaso kada araw sa linggo ng August 3 hanggang August 9, 2025.

Sa kabuuan, mayroon ng 3,752 na kaso ng leptospirosis mula June 8 o isang linggo matapos ideklara ang tag-ulan, hanggang August 14.

Nananatili namang naka alerto ang mga DOH Hospitals habang activated na ang apatnapu’t siyam na leptospirosis fastlanes sa buong bansa.

Paalala ng DOH, agad na magpakonsulta sa mga nasabing fastlane o sa inyong health center o ospital kung sakaling nalubog sa baha o naexpose sa putik ngayong tag-ulan para ma-assess ang inyong risk level para sa tamang gamutan.

Ilan sa mga sintomas ng leptospirosis ay lagnat, sakit ng ulo, panginginig, pananakit ng likod o binti, at pamumula ng mga mata.




18/08/2025

KASO NG DENGUE BAHAGYANG TUMAAS MATAPOS ANG HABAGAT AT BAGYO NOONG HULYO

Naitala ng DOH ang bahagyang pagtaas sa kaso ng dengue sa linggo ng July 13 hanggang July 26, na umabot sa 15,091. Matatandaang ito ang linggo nang maramdaman ang epekto ng bagyong Crising, Dante at Emong.

Sa nasabing linggo, mas mataas ng 7% ang kaso ng dengue kumpara sa naitalang kaso mula June 29 hanggang July 12 na umabot sa 14,131.

Nananatili namang naka-alerto ang DOH sa mga kaso ng dengue sa bansa, at nananatiling aktibo ang mga dengue fastlanes sa mga DOH hospitals.

Dagdag pa ng ahensya, samantalahin ang mga oras na hindi umuulan para maglinis ng mga lugar na pwedeng mapag-ipunan ng tubig tulad ng mga paso, alulod, baradong kanal at imburnal dahil dito nangingitlog ang lamok na aedes aegypti na nagkakalat ng dengue.

Gawin ang taob, taktak, tuyo, at takip sa mga simpleng lalagyanan ng tubig na pinamamahayan din ng nasabing lamok.

Kung sakaling makaranas ng lagnat ng dalawang araw at makaramdam ng mga sintomas tulad ng pagpapantal, pananakit ng katawan, kalamnan at mga mata, pagkahilo at pagsusuka, agad na kumonsulta sa health center o magtungo sa mga dengue fast lanes sa mga DOH hospitals.




18/08/2025

❗️3 SA 10 PANGUNAHING DAHILAN NG PAGKAMATAY NG MGA PILIPINO AY DAHIL SA SAKIT SA BAGA ❗️

Kabilang ang Pneumonia, Chronic Lower Respiratory Diseases, at Pulmonary Tuberculosis sa Top 10 Leading Cause of Death ng mga Pilipino sa taong 2024.

Huwag balewalain ang mga sintomas. Maagang magpasuri bago pa ito lumala!

Magpakonsulta sa TB-DOTS na malapit sa inyo: bit.ly/TBDOTSFacilities

Isang paalala ngayong National Lung Month.

Source: Philippine Statistics Authority




13/08/2025

MILK LETTING ACTIVITY

Inaanyayahan ang lahat ng breastfeeding moms na makiisa sa gaganaping Milk Letting Activity ngayong Agosto 20, 2025 sa Pedy’s Hall Events Place, Brgy. Balite.

Layunin ng ganitong programa na makalikom ng breastmilk mula sa mga inang may sapat o sobrang supply upang maibahagi sa mga sanggol na kulang sa nutrisyon, kabilang na ang mga premature, may karamdaman, o yaong walang kakayahang makasuso sa kanilang ina. Ang lahat ng makokolektang gatas ay ipapadaan sa masusing pagsusuri at proseso sa mga accredited milk banks upang masiguro ang kaligtasan bago ito maipamahagi.

Sa iyong munting kabutihan, maaari kang maging dahilan ng pag-asa at kaligtasan ng isang sanggol. Huwag palampasin ang pagkakataong maging bahagi ng adbokasiyang ito para sa mas malusog at mas maayos na kinabukasan ng mga bata sa Montalban.

13/08/2025
Maligayang kaarawan Dra Hazel Morgado-Montolo! Nawa’y patuloy kang pagpalain ng Diyos ng kalusugan, tagumpay, at walang ...
12/08/2025

Maligayang kaarawan Dra Hazel Morgado-Montolo! Nawa’y patuloy kang pagpalain ng Diyos ng kalusugan, tagumpay, at walang hanggang kagalakan.

Mula sa buong Municipal Health Office Family!
Lubos po kaming nagpapasalamat sa inyong walang sawang gabay at pamumuno. Nawa’y patuloy kayong maging inspirasyon sa bawat isa sa amin.

Address

Rodriguez
1860

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639381923590

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Municipal Health Office - Bayan ng Montalban posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Municipal Health Office - Bayan ng Montalban:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram