26/06/2024
Ang kayamanan na sinamahan ng kayabangan ay siguradong may katapusan.
Kung tayo ay umaasenso sa buhay, nabigyan ng magandang opportunidad, o na-promote sa trabaho o kaya naman may resulta na tayo sa negosyo. Wag sana natin ito ilagay sa ulo, manatili pa din tayong magpakumbaba para hindi natatapos at tuloy-tuloy ang ating biyaya.
Dahil kapag tayo ay yumabang, tayo ay mapunta sa kapahamakan.
Baka mawala bigla ang lahat ng ating pinaghirapan.
Ito ang ating mababasa sa,
Kawikaan 16:18
βAng kayabangan ay humahantong sa kapahamakan, at ang nagmamataas ay ibabagsak.β
Sa English,
βPride comes before destruction, and an arrogant spirit before a fall.β
At sa Mateo 23:12
βAng nagmamataas ay ibababa, at ang nagpapakumbaba ay itataas.β
Tandaan natin, masarap mamuhay ng simple at walang yabang sa katawan, yung kahit alam mong may resulta ka na pero mapagkumbaba ka pa rin, at hindi mo tinataas ang sarili mo sa ibang tao dahil alam mong lahat tayo ay ginawa pantay-pantay at lahat ng tinatamasa mo ay galing sa Diyos Mismo.
Ito ang paalala sa atin ni Haring Solomon
βLet other people praise you, and not your own mouth; a stranger, and not your own lips.β -Proverbs 27:2
Kaya, kung tayo ay may resulta na huwag natin ito ipagyabang sa iba, yung yabang na may minamaliit tayong kapwa. Dapat kung magyayabang tayo sa pangalan dapat ng Diyos.
Pinaalalahanan rin tayo na maging biyaya kung tayo ay may pagpapalang tinatamasa, para tuloy-tuloy ang pagpapala.
Ito ang mababasa natin sa,
Kawikaan 11:24
"Ang taong mapagbigay ay lalong yumayaman, Ngunit naghihirap ang tikom na mga kamay. 25 Ang taong matulungin ay luluwag ang pamumuhay, At ang marunong tumulong ay tiyak na tutulungan"
Rooting for you! Never give up! See you at the Top! ππ½βοΈβ€
Be inspired awakened & motivated. Follow us for more! π
IG: https://www.instagram.com/allenmarvineder
TikTok: https://www.tiktok.com/
Youtube: https://www.youtube.com/