
25/08/2025
Akala ko dati simpleng kabag lang yung nararamdaman ko… yun pala acid reflux na.😟
Maraming tao iniisip na kapag may acid reflux, ang solution ay uminom lang ng gatas para mawala ang hapdi.
Nagawa ko rin yan noon kasi akala ko instant relief na.
Myth: Gatas ang solusyon sa acid reflux. 🥛
Fact: Pansamantala lang yung ginhawa pero mas lalo pa nitong pwedeng pataasin ang acid sa tiyan.
Doon ko narealize na hindi lahat ng “home remedy” ay long-term solution.
Minsan kailangan talaga alamin yung totoong cause at ayusin yung lifestyle para di na bumalik ang sintomas. 🙏