
25/09/2025
🚨 MAGING ALERTO SA MGA POSIBLENG EPEKTO NA DULOT NG MALAKAS NA PAG-ULAN 🚨
Ayon sa DOST-PAGASA, inaasahan pa rin ang matinding pag-ulan sa susunod na lugar:
📌 24 September: Karamihan ng Luzon, Western Visayas, Surigao del Norte, and Dinagat Islands.
📌 25 September: Batanes, Babuyan Islands, Cagayan, Ilocos Norte, Palawan, Siquijor, Camiguin, Surigao del Norte, Dinagat Islands, Davao Oriental, Davao del Sur, and Davao Occidental.
📌 26 September: Batanes, Babuyan Islands, Cagayan, Ilocos Norte, Siquijor, Northern Mindanao, Caraga, and Davao Region
Dahil sa pinagsamang epekto ng katatapos na Super Typhoon Nando, Habagat, at papalapit na Tropical Storm Opong, nananatiling nasa panganib ang mga lugar na ito sa pagbabaha.
Pinapayuhan ang publiko na maging alerto sa malalang epekto nito. Hangga't maaari, iwasang lumusong sa baha, dahil maaari itong magdulot ng komplikasyon sa atay, bato, at puso dulot ng Leptospirosis.
Kung sakaling malulubog sa baha:
✔️ Agad na maghugas ng katawan gamit ang tubig at sabon
✔️ Agad na kumonsulta sa doktor kung may sugat o kung makararanas ng sintomas tulad ng lagnat at pananakit ng katawan
📞 Para sa agarang konsultasyon, tumawag sa Telekonsulta Hotline 1555 (press 2).
Source: PAGASA Tropical Cyclone Bulletin No. 3 (5AM, September 24, 2025)