
18/09/2025
Paalala lang! π Youβre Not Broke. π§Ώ
Kung napupunta yung pera mo sa pangbayad ng bills, pang-gastos niyong pamilya, at pambili ng pagkain. Nakakapag-provide ka, at nakakatayo sa sarili mong paa.
You are responsible. Soon, mas makakaraos ka rin. Mas makakaipon at mas giginhawa. Sipagan at galingan mo lang palagi.
Hindi madali ang mag-budget lalo na kapag kulang na kulang ang kita. Pero kahit paano, nakakabayad ka pa rin at may pagkain pa sa lamesa. Ibig sabihin nun, ginagawa mo ang best mo.
Huwag mong maliitin ang sarili mo. Hindi lahat kayang itaguyod ang pamilya nila kahit pagod at gipit. Isa kang living proof na kaya mong lampasan ang hirap.
Minsan iisipin mo na parang walang progress. Pero tandaan mo, ang simpleng pagbabayad ng utang o bills ay progress na. Hakbang yan papunta sa mas maayos na buhay.
Kung napapagod ka, pahinga ka saglit pero wag sumuko. Yung sakripisyo mo ngayon, may kapalit na ginhawa bukas. Hindi mo lang pa nakikita, pero papunta ka na dun.
At kapag dumating na yung araw na hindi ka na nag-aalala sa susunod na bayarin, maaalala mo itong mga panahong pinili mong kumayod kaysa sumuko. Yan ang tunay na success. Ikaw ang bumuo ng ginhawa mo mula sa hirap.
Papabor din sayo ang panahon. π€π»β¨
Joey De Leon