20/10/2020
OPISYAL NA PAHAYAG
Oktubre 20, 2020- Naipaabot sa kaalaman ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang mga pagsubok na hatid ng kasalukuyang sitwasyong mayroon tayo, kasama na rito ang malungkot na balitang may mga g**o at mag-aaral ang pumanaw sa gitna ng krisis. Ang Kagawaran, ay lubos na nagdadalamhati at nagpapaabot ng pakikiramay sa mga naulila at sa mga minamahal ng ating kasamahan sa DepEd. Kaya naman patuloy na nakikipag-ugnayan ang ating field offices sa mga pamilyang naiwan upang maiparating ang agarang tulong at suporta.
Hinihiling namin sa publiko na igalang ang pribadong buhay ng pamilyang naiwan at gayundin ang pag-iwas sa mga kuro-kuro ukol sa sanhi ng pagkamatay ng kanilang kaanak.
Isang sensitibo at kumplikadong usapin ang su***de. Kaya naman, nais naming ipanawagan na itigil ang pagkonekta nito sa mga modyul o sa distance learning. Nakatanggap na kami ng mga ulat mula sa kinauukulan, maging mga pahayag ng mga pamilya, at mga inisyal na imbestigasyon ng mga kaso at wala sa alinmang insidente ang tumutukoy sa distance learning bilang pangunahing sanhi ng mga ito.
Binabalaan din namin ang publiko sa mga grupo o indibidwal na ginagamit ang mga nasabing insidente upang siraan at isantabi ang mga pagsisikap ng Kagawaran.
Patuloy na nakikipag-ugnayan ang Kagawaran sa mga g**o, kawani, at mga mag-aaral upang sila ay mabigyan at mahatiran ng mga nararapat na serbisyong pang-mental na kalusugan at psychosocial. Gayundin, hinihikayat namin ang bawat isa na mas pagtibayin ang ugnayan at manatiling konektado sa kanilang mga mahal sa buhay sa panahong puno ng pagsubok.
Sama-sama, malalagpasan natin ito.
_____
Para sa agarang suporta para sa ating kalusugang mental, maaaring sumangguni sa DOH's National Center for Mental Health 24/7 Crisis Hotline numbers:
📱 0917 899 8727 (USAP)
☎️ 989 8727 (USAP)