
28/08/2024
AGOSTO 27, 2024
Binisita tayo ng ating Provincial Rabies Prevention and Control Coordinator Ma'am Mitzi Concepcion Queri Caramat upang magbigay ng technical assistance para sa ating Animal Bite Treatment Center. Layunin ng pagbisita na ito ay upang mas lalo pang mapaganda ang serbisyo at maging sistematiko ang reporting ng ating pasilidad.
Nagkaroon din ng dialogo sa ating mahal na mayor Hon. Jonathan Jose Dok Totep Calderon at SB on Health Hon. Aristoherson Deray para sa organisadong serbisyo ng Animal Bite Treatment Center.
Ang Roxas RHU Animal Bite Treatment Center ay bukas tuwing Martes at Biyernes 8 ng Umaga hangang 5 ng hapon.