25/05/2026
๐๐ข๐ค๐๐๐๐๐๐๐ฅ๐ค | ๐๐๐ญ'๐ฌ ๐ญ๐๐ฅ๐ค ๐๐๐จ๐ฎ๐ญ ๐๐๐ฆ๐๐จ๐ง๐ !
๐๐ง๐ ๐๐๐ฆ๐๐จ๐ง๐ ๐๐ฒ ๐ข๐ฌ๐ ๐ฌ๐ ๐ฌ๐๐ฆ๐ฉ๐ฎ๐ง๐ ๐ก๐๐ฅ๐๐ฆ๐๐ง๐ ๐ ๐๐ฆ๐จ๐ญ ๐ง๐ ๐ข๐ญ๐ข๐ง๐๐ญ๐๐ ๐ฎ๐ฒ๐จ๐ ๐ง๐ ๐๐๐ฉ๐๐ซ๐ญ๐ฆ๐๐ง๐ญ ๐จ๐ ๐๐๐๐ฅ๐ญ๐ก dahil sa mga benepisyong maibibigay nito sa ating kalusugan. Karaniwang ginagamit ang sambong bilang ๐ฉ๐๐ง๐ญ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐ ๐ฌ๐ ๐ฉ๐๐ -๐ข๐ก๐ข ๐๐ญ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฆ๐๐ค๐๐ญ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ฆ๐๐ฒ ๐ค๐ข๐๐ง๐๐ฒ ๐ฌ๐ญ๐จ๐ง๐๐ฌ. Isang paalala na ang kalusugan ay maaari ring magsimula sa mga halamang likas na matatagpuan sa ating paligid.
๐๐๐๐ง๐จ ๐ ๐๐ฆ๐ข๐ญ๐ข๐ง?
1. Magpatingin sa health center upang matukoy ang iyong karamdaman at mabigyan ng tamang lunas para sa bato sa kidney, kabilang ang paggamit ng dahon ng sambong bilang gamot.
2. Pakuluan ang tinadtad at sariwang pinitas na dahon ng sambong sa kaserolang may 2 basong tubig hanggang sa kalahati na lamang ang matira. Huwag takpan ang kaserola matapos kumulo ang tubig.
3. Palamigin nang husto at saka salain.
4. Hatiin sa 3 bahagi. Uminom ng 1 bahagi, 3 beses sa isang araw.
5. Uminom ng 12 baso o higit pang tubig araw-araw.
6. Dami ng tinadtad na dahon ng sambong ayon sa edad ng pasyente:
- 3 kutsara para sa edad 7โ12 taong gulang
- 6 na kutsara para sa edad 13 taong gulang pataas
Patuloy nating tangkilikin at palaganapin ang wastong paggamit ng mga halamang gamot na Pilipino. Sa simpleng kaalaman tungkol sa sambong, mas napapalapit tayo sa mas ligtas, mas abot-kaya, at mas natural na pangangalaga sa kalusugan!