03/05/2024
Huwag na natin itong patagalin pa! narito ang ilan pa sa mga sintomas ng almoranas na dapat mong bantayan:
-Mayroong kasamang dugo ang tae, ngunit walang nararamdamang sakit habang dumudumi.
-Pananakit ng puwet. Ang pananakit na ito ay kadalasang sanhi ng pamamaga ng almoranas. Karaniwan ang pananakit na ito sa mismong a**s o tumbong.
-Hindi maipaliwanag na pangangati o iritasyon sa mismong butas ng puwet o a**s. Iwasan lamang na kamutin ito upang makaiwas sa impeksyon, lalo na kapag madumi ang kamay o daliri.
-Pamumuo ng maliit na bukol sa mismong butas ng puwet. Kadalasang lumalabas ang bukol kapag naguumpisa ng lumala ang kondisyon ng almoranas.
-Pamamaga sa mismong butas ng puwet. Dahil ito sa pamumuo ng bukol sa a**s o tumbong
-Pagkakaroon ng bukol sa palibot naman ng a**s, sensitibo at masakit.
-Pag leak ng tae. Ito ang pinaka malala sa lahat ng sintomas. Isa lang ang ibig sabihin nito, malala na ang kondisyon mo! Sabog at nasira na ng tuluyan ang butas ng puwet.