San Agustin RHU

San Agustin RHU Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from San Agustin RHU, Health & Wellness Website, Poblacion, San Agustin.

The Office Municipal Health Officer of San Agustin Romblon provides quality, accessible health services aligned with DOH programs, promoting a healthy and resilient community.

15/04/2026
15/04/2026

𝗔𝗡𝗡𝗢𝗨𝗡𝗖𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧 | Magkakaroon po ng 𝗣𝘀𝘆𝗰𝗵𝗶𝗮𝘁𝗿𝘆 𝗖𝗼𝗻𝘀𝘂𝗹𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 sa Martes, Mayo 5, 2026 mula ala 1:00 ng hapon hanggang alas 5:00 ng hapon at sa Miyerkules, Mayo 6, 2026 mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 12:00 ng tanghali.

𝗩𝗲𝗻𝘂𝗲: Rural Health Center, San Agustin

Para sa mga nais magpalista at makapagpa-konsulta, makipag-ugnayan lamang po sa inyong midwife na naka-assign sa bawat barangay.

Inaanyayahan ang lahat na samantalahin ang serbisyong ito para sa mas maayos na kalusugang pangkaisipan.

Maraming salamat po.


31/03/2026

𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗖 𝗔𝗗𝗩𝗜𝗦𝗢𝗥𝗬 | Ipinababatid po sa lahat na ang Lokal na Pamahalaan ng San Agustin, Romblon ay bukas upang tumugon sa inyong mga katanungan o inquiries, clarifications, at iba pang pangangailangan kaugnay ng mga programa, proyekto, at serbisyong pampubliko ng Lokal na Pamahalaan.

Bukas ang Lokal na Pamahalaan mula 7:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi (Lunes hanggang Huwebes) upang masiguro ang agarang pagtugon sa inyong mga pangangailangan at katanungan.

Bilang bahagi ng patuloy na pagpapabuti ng aming serbisyo, ipinatutupad din po namin ang aming Feedback Mechanism, kung saan maaari kayong magbahagi ng inyong mga suhestiyon, komento, o reklamo. Ang inyong mga puna at mungkahi ay mahalaga upang lalo pang mapahusay ang kalidad ng serbisyo ng ating Lokal na Pamahalaan.

𝗠𝗮𝗮𝗮𝗿𝗶 𝗽𝗼 𝗸𝗮𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴𝘀𝘂𝗺𝗶𝘁𝗲 𝗻𝗴 𝗶𝗻𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗳𝗲𝗲𝗱𝗯𝗮𝗰𝗸 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗺𝗮𝗺𝗮𝗴𝗶𝘁𝗮𝗻 𝗻𝗴:

• Personal na paglapit sa kinauukulang tanggapan
• Pagsagot sa mga feedback forms na makikita sa bawat opisina
• Pag-click sa mga sumusunod na link:
• Client Satisfaction Survey: https://forms.office.com/r/tNbDfnXTVb
• Para sa mga Katanungan o Ulat: https://forms.office.com/r/LZ8BFHBee4

Pinapaalalahanan din ang lahat na panatilihin ang kaayusan at sundin ang mga umiiral na patakaran sa loob ng tanggapan upang masiguro ang maayos at mabilis na daloy ng serbisyo para sa lahat.

Ang Lokal na Pamahalaan ng San Agustin ay nananatiling tapat sa pagbibigay ng dekalidad, maagap, at serbisyong may malasakit para sa bawat mamamayan.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na pakikiisa at suporta.


Address

Poblacion
San Agustin
5501

Opening Hours

Monday 7am - 6pm
Tuesday 7am - 6pm
Wednesday 7am - 6pm
Thursday 7am - 6pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when San Agustin RHU posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share