28/04/2023
Ang Tigdas ay isang sakit na lubhang nakahahawa dulot ng measles virus! Walang gamot laban sa tigdas, tanging bakuna lamang ang paraan para maiwasan ito! Kaya ano pa ang hinihintay nyo? Pabakunahan na ang inyong mga anak edad 9-59 months laban sa Polio, Rubella, at Tigdas.
Mga BakuNanay at Papavaccine ng San Andres
Narito ang schedule at venue ng ating pagpapabakuna sa mga chikiting sa ating barangay.
Dalhin po natin sa nasabing araw at lugar ang ating mga chikiting para sa kanilang dagdag bakuna laban sa polio, tigdas at rubella.
Huwag din pong kalimutang dalhin ang immunization card o record (Baby Book) ng inyong mga chikiting sa nakatakdang araw at lugar.
Protektahan natin ang mga chikiting! Makipag-ugnayan sa inyong pinakamalapit na barangay health center para sa schedule ng bakuna.
Tandaan, ang batang bakunado ay todong protektado!
Get vaccinated para sa Healthy Pilipinas!