25/03/2025
Iwasan ang Nakamamatay na Rabies! 🐕😿
Ang rabies ay isang nakamamatay na sakit mula sa virus na naipapasa sa kagat, kalmot at laway ng hayop. Protektahan ang sarili at pamilya:
✔ Pabakunahan ang alagang hayop taun-taon 🩹🐶🐱
✔ Huwag hayaang gumala ang alaga sa kalsada 🚷
✔ Iwasang lumapit sa di-kilalang hayop ⚠️🐾
✔ Turuan ang bata na huwag harutin ang mga alagang hayop 👦❌🐕
💉 Bakuna para sa alaga, proteksyon para sa lahat! 💉
⚠️ Sintomas ng Rabies sa Tao: Huwag Balewalain! 🛑
🚨 Kung nakagat ng hayop, bantayan ang mga senyales:
🔥 Lagnat, sakit ng ulo, at panghihina 🤒
🩸 Pananakit, pamamaga, o pamamanhid sa sugat 🩹
💧 Takot sa tubig at hangin (hydrophobia, aerophobia) 🚱💨
😨 Pagkairita, pagkalito, o matinding takot
💪 Pananakit ng kalamnan, pangingisay, at pagkaparalisa
⚠ Kapag nakagat o nakalmot ng hayop, pumunta sa Animal Bite and Treatment Center at magpasuri sa healthcare worker! 🏥❗