15/08/2021
Paalala‼️‼️‼️
BASAHIN, INTINDIHIN at UNAWAIN.
Sa lahat po ng nag nanais ma-nganak sa ating Paanakan.Mag sadya po kayo mismo Dito sa Lying in upang maunawaan at maintindihan ninyo pong mabuti at klaro Ang mga patakaraan ng aming paanakan.
NOTE: Ang Pag bubuntis ay 9 na buwan na dinadala sa sinapupunan ng isang ina.9 na buwan na pinag- hahandaan at pinag pla-planuhan kasama po ang mga sumusunod:
1. Ang regular na check up Lalo na po kung san ninanais ma-nganak.
2. Financial (Dito po sa ating Lying in ay libre manganak Kung ikaw ay aktibong miyembro ng PHILHEALTH)
3.Mga LABORATORY na kinakailangan sa panganganak.
4.ULTRASOUND( inuulit bago manganak)
5.Trasportasyon (paunawa isa lang po Ang aming ambulance na ating ginagamit na halos ito po ay nagagamit sa buong Bayan ng San Fabian)
6.Kasama( Legal na edad. Asawa,kapatid o magulang).
7. Birtcertificate
- Pag kasal; kami po mismo Ang gagawa at mag fifile ng birth certificate ng bata pero sa munisipyo ninyo kukunin Ang rehistradong certificate ng bata.
- Pag di-kasal; kami po mismo gagawa ng birtcertificate pero Ang magulang ng bata Ang magfifile sa munisipyo at doon din po ninyo kukunin Ang rehistradong certificate ng bata.
Sa iba pang katanungnan mag sadya po kayo mismo Dito sa ERVILLYING IN.