27/11/2025
Malamig na ang panahon! 🥶🤧😷
Dahil sa malamig na panahon at maraming mga family/company/friend gatherings tayong pupuntahan, kasama na dyan ang Christmas shopping, tumataas din ang tsansa na makasagap tayo (at ang mga chikiting) ng mga viruses/bacteria na maaaring maging sanhi ng ubo, sipon, pulmonya at ibang mga sakit.
Hangga't maaari, umiwas sa mga matataong lugar, gumamit ng mask kung pwede, at laging maghugas ng kamay. Samahan na din ang pagpapabakuna kontra sa mga common viruses na pwedeng maging sanhi ng sakit.
Ang payo ni Doc JC (feat. Kween Yasmin), ingat po tayo lagi!!