BALU MO? Health Promotion Unit - Provincial Health Office Pampanga

BALU MO? Health Promotion Unit - Provincial Health Office Pampanga The official page of the Health Education and Promotion Unit in Pampanga under the Provincial Health Office and the Department of Health - Pampanga.

BALU MO | Pampanga has once again made history after being recognized at the first-ever National Universal Health Care (...
29/08/2025

BALU MO |

Pampanga has once again made history after being recognized at the first-ever National Universal Health Care (UHC) Summit 2025, where the province received both a Certificate of Appreciation and a Certificate of Commendation from the Department of Health (DOH).

Standing as the only province in Central Luzon and among only eight (8) provinces and cities nationwide to be showcased, Pampanga’s commitment to strengthening health systems and bringing services closer to the people was placed in the national spotlight.

Guided by the leadership of Governor Lilia G. Pineda and Vice Governor Dennis “Delta” Pineda, the province’s flagship program, “Alagang Nanay” Preventive Health Care, was highlighted as a model for the country under the theme: “Unified Governance for Stronger Primary Care Service Delivery.”

Through Alagang Nanay, no Kapampangan is left behind — every family, especially the most vulnerable, is assured of support, care, and the hope of a healthier future.

We extend our deepest gratitude to our integrated city and municipalities, DOH partners, Philhealth, JBLMGH, local leaders, and all stakeholders whose efforts and collaboration made this achievement possible.

This recognition is not just for Pampanga — it is a proud moment for the entire Central Luzon .

Mabuhay ang Pampanga!

19/08/2025

❗️TUBERCULOSIS PREVENTIVE TREATMENT, NAPATUNAYANG EPEKTIBONG PROTEKSYON SA TB❗️

Ang Tuberculosis Preventive Treatment o TPT ay isang gamot na ibinibigay sa taong na-expose sa isang Tuberculosis (TB) patient.

Mabilis ang transmission o pagkalat ng TB dahil maaaring maipasa ito sa pag-ubo, pagbahing at pagdura.

Ang TPT ay napatunayang mabisa at ligtas na paraan para maprotektahan ang mga high-risk individuals at mapigilan ang pagkalat ng TB.

Ang TPT ay available sa TB-DOTS malapit sa inyo: bit.ly/TBDOTSFacilities




CABALEN! Ngayong Agosto ay National Breastfeeding Month. Suportahan natin ang pagtangkilik sa natural na pamamaraan ng p...
04/08/2025

CABALEN! Ngayong Agosto ay National Breastfeeding Month. Suportahan natin ang pagtangkilik sa natural na pamamaraan ng pagpapasuso sa mga sasnggol mula pagkapanganak hanggang anim na buwan...Sama sama nating tangkilikin ang natural na pamamaraan, makipag-ugnayan sa pinakamalapit na health center sas inyong lugar para sa karagdagang impormasyon.....

Ngayong Agosto ay National Family Planning Month!Ang pagpaplano ng pamilya ay hindi lamang tungkol sa bilang ng mga anak...
04/08/2025

Ngayong Agosto ay National Family Planning Month!

Ang pagpaplano ng pamilya ay hindi lamang tungkol sa bilang ng mga anak. Ito ay tungkol sa pagbibigay ng sapat na atensyon at resources para sa bawat isa. Ito rin ay para sa kalusugan ng nanay at ng mga anak.

Kaya't TARA, USAP TAYO SA FAMILY PLANNING!
Huwag mag-atubiling kumonsulta sa inyong health center. Nandiyan sila para gabayan kayo sa mga paraang angkop sa inyong sitwasyon.

Lagi tamupung tatandanan, Ing Tagumpe at Kalusugan ning Pamilya, atiu king Gamat mu. Panalo ang Pamilyang Protektado!

01/08/2025

𝗕𝗔𝗟𝗨 𝗠𝗢? 𝗡𝗴𝗮𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗔𝗴𝗼𝘀𝘁𝗼 𝗻𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗶𝗺𝘂𝗹𝗮 𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗸𝘂𝗻𝗮 𝗘𝘀𝗸𝘄𝗲𝗹𝗮!

Tiyakin nating ligtas ang ating mga anak sa pagbabalik-eskwela. Ang bakuna ay epektibo, ligtas, at libre. Halika't panoorin natin ang video nito sa karagdagang impormasyon tungkol pa sa bakuna.

Para sa iskedyul at pagpapalista, makipag-ugnayan sa inyong paaralan o health center. Sama-sama tayong lumikha ng isang malusog at protektadong komunidad!

𝗕𝗔𝗟𝗨 𝗠𝗢? 𝗔𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗵𝘂𝗹𝗮𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗔𝗻𝘂𝗻𝘀𝘆𝗼 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝗸𝗮𝗿𝗲𝗻𝗴 𝗣𝗲𝗻𝗴𝗮𝗿𝗶 𝗮𝘁 𝗘𝘀𝘁𝘂𝗱𝘆𝗮𝗻𝘁𝗲 𝗸𝗶𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗺𝗽𝗮𝗻𝗴𝗮! Handa na ba tayo para sa  ? Isang pro...
01/08/2025

𝗕𝗔𝗟𝗨 𝗠𝗢? 𝗔𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗵𝘂𝗹𝗮𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗔𝗻𝘂𝗻𝘀𝘆𝗼 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝗸𝗮𝗿𝗲𝗻𝗴 𝗣𝗲𝗻𝗴𝗮𝗿𝗶 𝗮𝘁 𝗘𝘀𝘁𝘂𝗱𝘆𝗮𝗻𝘁𝗲 𝗸𝗶𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗺𝗽𝗮𝗻𝗴𝗮!
Handa na ba tayo para sa ? Isang programang pangkalusugan na ilulunsad ng Department of Health (DOH) at Department of Education (DepEd) ngayong Agosto 2025!
𝗔𝗻𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗸𝘂𝗻𝗮 𝗘𝘀𝗸𝘄𝗲𝗹𝗮? Ito ay isang school-based immunization (SBI) program na magbibigay proteksyon sa mga mag-aaral laban sa Vaccine Preventable Diseases (VPDs) tulad ng:
• Tigdas (Measles)
• Rubella
• Dipterya (Diphtheria)
• Human Papilloma Virus (HPV)
𝗦𝗶𝗻𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗯𝗶𝗯𝗶𝗴𝘆𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗸𝘂𝗻𝗮? Ito ay para sa lahat ng mga mag-aaral na nasa pampublikong paaralan sa buong Pilipinas, kabilang na ang ating mga kabataan dito sa Pampanga!
• 𝙋𝙖𝙧𝙖 𝙨𝙖 𝙂𝙧𝙖𝙙𝙚 1 𝙖𝙩 𝙂𝙧𝙖𝙙𝙚 7: Makakakuha ng Booster Dose laban sa Measles-Rubella (MR) at Tetanus-Diphtheria (Td) vaccines.
• 𝙋𝙖𝙧𝙖 𝙨𝙖 𝙂𝙧𝙖𝙙𝙚 4 𝙣𝙖 𝘽𝙖𝙗𝙖𝙚: Makakakuha ng Human Papillomavirus (HPV) vaccine, na proteksyon din laban sa cervical cancer.
𝐊𝐚𝐢𝐥𝐚𝐧 𝐚𝐭 𝐒𝐚𝐚𝐧 𝐌𝐚𝐠𝐚𝐠𝐚𝐧𝐚𝐩? Ang mga bakuna ay ibibigay simula Agosto 2025 sa inyong mga pampublikong paaralan. Huwag mag-alala, ipababatid ng inyong mga g**o at mga health centers/units sa mga estudyante at magulang ang eksaktong petsa ng bakunahan sa inyong paaralan.
Hinihikayat ang lahat ng magulang na suportahan ang programang ito upang masig**ong malusog at ligtas ang ating mga anak!
Sama-sama nating protektahan ang kinabukasan ng ating mga anak! Tara na, Cabalen!

BALU MO? | 𝗣𝗲𝗿𝘀𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗛𝘆𝗴𝗶𝗲𝗻𝗲 𝗮𝘁 𝗙𝗶𝗿𝘀𝘁 𝗔𝗶𝗱 𝗢𝗿𝗶𝗲𝗻𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻, 𝗚𝗶𝗻𝗮𝗻𝗮𝗽 𝘀𝗮 𝗟𝗶𝗺𝗮𝗻𝗴 𝗟𝗮𝘀𝘁 𝗠𝗶𝗹𝗲 𝗘𝗹𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁𝗮𝗿𝘆 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹𝘀 𝘀𝗮 𝗣𝗮𝗺𝗽𝗮𝗻𝗴𝗮 | 𝗝𝘂𝗹𝘆 ...
01/08/2025

BALU MO? | 𝗣𝗲𝗿𝘀𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗛𝘆𝗴𝗶𝗲𝗻𝗲 𝗮𝘁 𝗙𝗶𝗿𝘀𝘁 𝗔𝗶𝗱 𝗢𝗿𝗶𝗲𝗻𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻, 𝗚𝗶𝗻𝗮𝗻𝗮𝗽 𝘀𝗮 𝗟𝗶𝗺𝗮𝗻𝗴 𝗟𝗮𝘀𝘁 𝗠𝗶𝗹𝗲 𝗘𝗹𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁𝗮𝗿𝘆 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹𝘀 𝘀𝗮 𝗣𝗮𝗺𝗽𝗮𝗻𝗴𝗮 | 𝗝𝘂𝗹𝘆 16, 2025

Isang mahalagang hakbang tungo sa mas malusog na kinabukasan! Ang Health Promotion Unit ng Department of Health Central Luzon CHD at Provincial Health Office ay matagumpay na nagsagawa ng oryentasyon tungkol sa Personal Hygiene at First Aid para sa mga mag-aaral at kawani ng mga last-mile elementary schools sa Pampanga noong July 16, 2025.

Ang inisyatibong ito ay naglalayong bigyan ng sapat na kaalaman ang mga bata at g**o upang mapanatili ang kalusugan at kalinisan sa kanilang sarili, gayundin upang maging handa sa oras ng pangangailangan.

Kabilang sa mga binisita ang mga paaralan ng:
✔️Katutubo Village Elementary School, Porac
✔️Sta. Tereza II Elementary School, Lubao
✔️Mamatitang Elementary School, Mabalacat City
✔️Mangalit Elementary School, Mabalacat City
✔️Calapi Negrito Elementary School, Mabalacat City

Maraming salamat sa mga g**o, magulang, at komunidad na patuloy na sumusuporta sa pagpapalakas ng kahalagahan ng kalusugan at edukasyon. Sama-sama tayong bumuo ng isang malusog at handang henerasyon!

BALU MO? The Department of Health Central Luzon  Center for Health Development  – Environmental and Occupational Health ...
31/07/2025

BALU MO?

The Department of Health Central Luzon Center for Health Development – Environmental and Occupational Health Cluster (DOH- CLCHD-EOH) together with Health Promotion Unit (HPU) recently conducted an important Water, Sanitation, and Hygiene (W.A.S.H) Assessment and health education promotive activities focusing on W.I.L.D (Waterborne Disease, Influenza, Leptospirosis and Dengue) strengthening community resilience against these prevalent health threats during emergencies, conducted at evacuation centers of Bacolor, Guagua, Candaba, San Luis, Sto. Tomas, and City of Mabalacat.

This assessment takes importance on ensuring the safety, health, and well-being of our evacuees by monitoring the availability of safe water, proper sanitation facilities, and promoting good hygiene practices to prevent disease outbreaks.

Together, we continue to prioritize health promotive measures and provide a safe, clean environment for those affected by the disaster. Ingat, Cabalen!!

𝗕𝗔𝗕𝗔𝗟𝗔: 𝗟𝗘𝗣𝗧𝗢𝗦𝗣𝗜𝗥𝗢𝗦𝗜𝗦, 𝗠𝗔𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗡𝗜𝗕 𝗡𝗔 𝗦𝗔𝗞𝗜𝗧 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗛𝗔Alam mo ba? Ang simpleng paglusong sa baha ay maaaring magdulot n...
24/07/2025

𝗕𝗔𝗕𝗔𝗟𝗔: 𝗟𝗘𝗣𝗧𝗢𝗦𝗣𝗜𝗥𝗢𝗦𝗜𝗦, 𝗠𝗔𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗡𝗜𝗕 𝗡𝗔 𝗦𝗔𝗞𝗜𝗧 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗛𝗔

Alam mo ba? Ang simpleng paglusong sa baha ay maaaring magdulot ng leptospirosis, isang seryosong sakit na maaaring ikamatay kung mapapabayaan!

𝘼𝙣𝙤 𝙖𝙣𝙜 𝙇𝙚𝙥𝙩𝙤𝙨𝙥𝙞𝙧𝙤𝙨𝙞𝙨?
Ang leptospirosis ay isang bacterial infection na nanggagaling sa ihi ng mga hayop, lalo na ng daga, na humahalo sa baha o putik.
Pumapasok ito sa katawan sa pamamagitan ng sugat, galos, o kahit sa balat na babad sa tubig baha.

𝙋𝙖𝙖𝙣𝙤 𝙈𝙖𝙠𝙖𝙠𝙖𝙞𝙬𝙖𝙨 𝙨𝙖 𝙇𝙚𝙥𝙩𝙤𝙨𝙥𝙞𝙧𝙤𝙨𝙞𝙨?

☑️Iwasan ang paglusong sa baha. Kung di maiiwasan, magsuot ng bota o makapal na proteksyon sa paa.
☑️Linisin agad ang katawan pagkatapos lumusong – maligo ng sabon at linisin ang sugat.
☑️Panatilihing walang bara ang kanal at palibot para maiwasan ang pamumugad ng daga.
☑️Magpabakuna kung kinakailangan at uminom ng prophylactic medicine (doxycycline) kung nireseta ng health worker.

𝙈𝙜𝙖 𝙎𝙞𝙣𝙩𝙤𝙢𝙖𝙨 𝙣𝙜 𝙇𝙚𝙥𝙩𝙤𝙨𝙥𝙞𝙧𝙤𝙨𝙞𝙨:

☑️ Mataas na lagnat
☑️ Pananakit ng ulo at kalamnan
☑️ Paninilaw ng mata at balat
☑️ Pagsusuka o diarrhea
☑️ Pananakit ng tiyan o kasu-kasuan
☑️ Maitim na ihi o kawalan ng ihi

𝗞𝘂𝗺𝗼𝗻𝘀𝘂𝗹𝘁𝗮 𝗮𝗴𝗮𝗱 𝘀𝗮 𝗵𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗰𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿 𝗸𝗮𝗽𝗮𝗴 𝗺𝗮𝘆 𝗴𝗮𝗻𝗶𝘁𝗼𝗻𝗴 𝘀𝗶𝗻𝘁𝗼𝗺𝗮𝘀, 𝗹𝗮𝗹𝗼 𝗻𝗮 𝗸𝘂𝗻𝗴 𝗹𝘂𝗺𝘂𝘀𝗼𝗻𝗴 𝗸𝗮 𝘀𝗮 𝗯𝗮𝗵𝗮 𝘀𝗮 𝗻𝗮𝗸𝗮𝗿𝗮𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗮𝗿𝗮𝘄.

https://www.facebook.com/share/18T9ZcevM4/
24/07/2025

https://www.facebook.com/share/18T9ZcevM4/

🚨 EMERGENCY HOTLINES SA PAMPANGA 🚨

Sa oras ng sakuna, kalamidad, o anumang emergency, mahalaga ang mabilis na aksyon at tamang impormasyon. Narito ang mga pangunahing emergency hotlines na dapat tandaan at itabi:

📌 TANDAAN:
✔️ Isave ang mga numerong ito sa iyong cellphone.
✔️ Ibahagi sa pamilya at kapitbahay.
✔️ Maging handa, ligtas, at alerto.




https://www.facebook.com/share/1EWz2QVQbe/
24/07/2025

https://www.facebook.com/share/1EWz2QVQbe/

🚨 DOH: ‘WAG GUMAMIT NG DOXYCYCLINE NANG WALANG RESETA🚨

Ang doxycycline ay isang antibiotic na ginagamit laban sa Leptospirosis.

Kapag mali ang pag-inom, pwedeng mawalan ito ng bisa laban sa mga mikrobyo at maging mas mahirap gamutin ang simpleng impeksyon. Pwede itong humantong sa matagal o mas matinding pagkakasakit.

Nakadepende ang pag-inom ng doxycycline sa exposure o risk level ng taong nalubog sa baha.

Payo ng DOH, magpatingin sa doktor para sa tamang reseta sa paggamit ng antibiotic na ito.







Address

Provincial Health Office-Pampanga
San Fernando

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BALU MO? Health Promotion Unit - Provincial Health Office Pampanga posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to BALU MO? Health Promotion Unit - Provincial Health Office Pampanga:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram